KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
MGA KATANGIAN NG PANITIKAN
1. Hangaring makamit ang kalayaan
2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
DIWANG NANAIG
1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan
MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO
1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900
3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT
1. Maka-Kastila
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog
MGA DULANG IPINATIGIL
1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino
2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes
PANITIKAN SA KASTILA
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino
IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA
1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan )
4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay
5. PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO
PANITIKAN SA TAGALOG
= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio
MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez
MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio
LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat
JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy
FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan
AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday
VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng
INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-Damdamin
ANG DULANG TAGALOG
SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang Sugat
AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas
HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon
PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang OBRA-MAESTRA
JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-MAESTRA
PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles
JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty
ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow”
ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India
*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt
ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI”
ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild
IBA PANG PANITIKAN
PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan
*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista
*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”
*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan
*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya
Salamt po. :)
ReplyDeletevery informative thanks for this :)
ReplyDeletethank you
ReplyDelete