Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati
- Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao
- Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig
- Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila
Uri ng Talumpati/Pagtatalumpati
- Biglaan o Daglian – (impromptu) walang pagkakataong makapaghanda ang mananalumpati; ngunit ang mga pagkakataong ito ay gaya lamang ng mga simpleng okasyon gaya ng mga sa paaralan, kaarawan at iba pa
- Maluwag – (extemporaneous) ang mananalumpati ay binibigyang ng maikling panahon para maghanda pagkatapos maibigay ang paksa o tanong
- Handa – (prepared) mahabang panahon ay ibinibigay para maghanda ang mananalumpati; isinasaulo na ang isang handang talumpati at pipiliin na lamang ang wasto at pinakamabuting paraan ng pag-deliver
Katangian ng Isang Mahusay na Mananalumpati
- May magandang personalidad
- Malinaw magsalita
- May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay
- May kasanayan sa pagtatalumpati
- Mahusay gumamit ng kumpas
Mga Katangian ng Mabuting Kumpas
- Maluwag at maginhawa – higit na magandang tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi naninigas
- May buhay at hindi matamlay – iba-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas
- Tiyak – tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo
- Nasa pahanon – nasa tayming ang kumpas, hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong paglagyan
- Angkop sa mga nakikinig – iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapanikig at ang laki nito
No comments:
Post a Comment