Friday, December 7, 2012

Alamat ng Olongapo

Ang Alamat ng Olongapo
(Bahagi ng Sentral Luson)
Isinulat ni Rene Alba

Ang bayan ng Olongapo ay bahagi ng Zambales. Isa sa pinakamasayang lungsod ng Sentral Luson. Malapit din ito sa Subic Bay. Ito ay naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang PINATUBO. Kung bakit naging OLONGAPO ay siya nating malalaman sa ating alamat.

May isang binata ang pangalan ay Dodong. Isa siyang magsasaka at malawak ang kanyang sakahan. Sa kanilang bayan siya ay napamahal na sa kanyang mga kababaryo. Isa siyang matulungin kaya kinagiliwan siya ng mga tao. Siya ay napabantog sa pangalang APO at ito ang nakasanayang itawag sa kanya ng mga kabataan at mga matatanda.

Sa kabilang nayon ay may isang dalaga at tunay na Pilipina kung kumilos. Si Nene ang ngalan ng mayuming babae. Naging kaibigan ito ni Dodong o APO ngunit malaki ang agwat ng kanilang idad. Nalipat ng tirahan ang pamilya ni Nene. Ito ang dahilan at hindi na sila nagkita ni APO.

Lumipas ang maraming araw at buwan. Isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon habang naglalakad si APO sa isa sa mataong lugar ng bayan ay bigla silang nagkasalubong ni Nene. Dalagang-dalaga ka na ang bati ni APO kay Nene. Lalong gumanda ang dalaga. Pagkatapos ng batian at balitaan ay inalok ni APO ang dalaga na kung puwede siyang ihatid nito. Bigla naman pinaunlakan ito ng dalaga.

"Tatang, Nanang, nandito po si APO ang masayang sigaw ni Nene, dadalawin po kayo."

"Dodong!" Kumusta ka! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang wika ng tatay ng dalaga.

"Kumusta na po kayo? ang magalang na tugon ng binata. Pasensiya nap o kayo at hindi na ako nakakapagbayanihan dito sa inyo."

"Huwag mong alalahanin at alam naming abala ka rin sa gawain mo sa iyong bukirin. Kapag kakailanganin mo kami ay magpasabi ka lamang ang wika ng tatang ni Nene.

"Salamat sa inyo!" Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalawin ko kayo rito. Nang sa gayon makatulong ho ako kahit papano, ang sabi ng binata.

Magmula noon ay madalas ng magkita ang binata at dalaga. Naging magkalapit sila sa isa't isa. Hanggang sa naging magkatipan. Hindi naman naging hadlang ang mga magulang ni Nene.

Isang umaga ay may dumaong na malaking bangka lulan nito ang mga lasing na Kastila. Namataan nila si Nene sa tabing dagat. Mayroong itatanong sa dalaga ang mga ito ngunit hindi ito maintindihan ng dalaga sa halip tumango na lamang. Ang buong akala ng mga lasing na Kastila ay pumapayag ang dalaga sa kanilang gusto hanggang sa niyapos at pinaghahalikan ang dalaga. Sumigaw si Nene at humingi ng saklolo.

Agad tinawag ng mga tao si Apo upang ipaalam ang nangyari sa katipan. Nagulantang si APO at sinugod nito ang mga Kastila at lumaban. Ngunit dahil sa marami at armado ang mga ito, sa kasamaang palad si APO ay namatay. May patakaran ang mga walang pusong Kastila para huwag pamarisan ay pinutol nila ang ulo ni APO at isinabit sa isang kawayan.

"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" ang sigawan ng mga bata.
Ang pagkaintindi ng mga Kastila ang pangalan ng nasabing lugar ay ULO ng GAPO hanggang tumagal ay naging OLONGAPO. Ito ang bayan ng Olongapo sa lalawigan ng Zambales isa sa pinaka-kontrobersyal na Lunsod sa Sentral Luson.

2 comments: