Tuesday, December 11, 2012

Pilipinas sa Panahon ng Kastila


PILIPINAS SA PANAHON NG KASTILA

EDUKASYON

Dekretong Pang-edukasyon 1863 – layunin nitong mapalaganap ang edukasyon sa ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan doon.
Ang mga tinuturo ay Kristyanismo, Wastong Pag-uugali, Moralidad, Heograpiya, Wikang Espanyol, Kasaysayan ng Espanya, Matematika.
Masasabing ang edukasyon para sa mga Pilipino ang isa sa mga dahilan ng paglinang at pagsibol ng damdaming nasyonalistiko na nagging sanhi ng nga pagkilos at pagtutol laban sa mga patakarang kolonyal ng Espanya.
Ang mga paaralang naitayo ay ang Colegio de Sta. Rosa, Colegio de Sta. Isabel, Colegio de San jose, Colegio de Manila, UP at UST.


RELIHIYON

Unang layon ng mga kastila ay ang pagpalaganap ng Kristyanismo upang mas madaling makuha at masakop ang Pilipinas.
Hindi nasakop ang Mindanao.
1565-dumating ang mga misyonerong Agustinian na nabibilang sa Orden ng San Agustin.
1577-pagdating ng mga Franciscan na nabibilang sa Orden ng Francisco
1581-dumating ang mga Heswita na kasali sa ordeng Society Of Jesus.
1587-dumating ang mga Dominicano na kasli sa orden ni Santo Domingo. Sila rin ang unang nagtatag ng unibersidad sa bansa, ang UST at San Juan de Letran.
1606-dumating ang mga Recoletos
Mas napadaling sakupin ang Pilipinas dahil sa Kristyanismo
Naimpluwensiyahan ng simbahan ang buhay at desisyon ng mga Pilipino.
Upang mapalaganap pa ang relihiyon, bumuo sila ng Diocese.
Hinati sa mga Diocese ang mga simbahan.
Obispo-namumuno sa isang Diocese.
Ang mga Diocese naman ay nahahati sa mga Parokya
Kura-paroko-namumuno sa isang Parokya
Ang prayle at kura-paroko ay may tungkulin na magulekta ng buwis
Binayaran ng Simbahan ang mga manggagawa na s’yang nagtayo ng mga simbahan na gawa sa bato, na kung minsan ay may gawang iskultura sa loob.
Naglilok sila ng mga istatwa ng mga santo at iba pang Kristiyanong larawan na gawa rin sa kahoy o garing.


TRADISYON

Doctrina Christiana- kauna-unahang aklat (1593)
Nakasentro ang panitikan sa pasyon, senakulo, moro-moro, korido, awit.
Hindi malaya ang mga manunulat na maipahayag ang mga saloobin kaya’t maliban sa relihiyon, isang tampok na paksain ay ang pagtuligsa sa patakarang kolonyal ng mga Espanyol.
Lahat ng uri ng lathain at panitikan ay dumadaan sa Censor’s Commission.
Noong dumating ang mga Kastila nagging bahagi sa tradisyon natin ang kasal, binyag kumpil at iba pang paniniwala.
Nagkarron ng antas ng tao sa lipunan tulad ng principalia, ilustrado, peninsulares at insulares.


PANITIKAN

Ang pagbabasa at pagsusulat ay mabilis na natutuhan ng mga Pilipino kaya’t nakasulat sila ng aklat. Ipinakilala ng mga Kastila ang mga likhang-sulat na pawang mga romansa at korido. Walang kalayaan sa pagsusulat noon kaya’t ang mga manunulat na Pilipino ay nagtiyaga na lamang sa mga paksang nais na pamahalaan ng Simbahan. Ang mga paaralang itinatag ng mga Espanyol ay nag-iwan ng malaking epekto sa kamalayan at isipan ng mga Pilipino lalo na nung mag-umpisang magsulat ang iba nilang kababayan.

Lalong umunlad ang antas ng kaalaman,kasanayan at pagpapahalaga nila. Nakita nila ang kahalagahan ng edukasyon upang umunlad ang kanilang buhay. Naunawaan nila na makakaya nilang makibaka sa mga pagsunok upang makamtan nila ang kanilang minimithing adhikain tungo sa pangarap nila sa buhay dahil sa edukasyon.

No comments:

Post a Comment