Severino Reyes
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na AmangSarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.
Pinag-ugatan at Edukasyon
Ipinaganak siya noong 11 Pebrero 1861 sa Santa Cruz,Maynilaat suplingnina Rufino Reyes, isang iskultor, at ni Andrea Rivera. Siya ay ikinasal kayMaria Paz Puato at biniyayaan ng 17 anak. Sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa Catalino Sanchez, tinapos ang kanyang hayskul at batsilyer sa siningsaColegio de San Juan de Letran, at kumuha rin ng kurso saUnibersidad ng Santo Tomas.Nang itinatag angLiwaywaynoong 1923, si Reyes ang naging unangpatnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawangkasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.
Karera
Sa edad na 41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula.Ang R.I.P., noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niyaang Walang Sugat (Not Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilalaniyang akda. Ang Walang Sugat din ay naging simula ng ginintuang panahonng sarsuwela sa bansa.Noong 1902 itinatag niya ang Gran CompaƱia de la Zarzuela Tagala upang maitanghal ang kanyang mga dula sa mga teatro sa Maynila patina rin sa mga entablado sa mga kalapit probinsiya.Ang mga dula ni Reyes ay naisapelikula rin, tulad ng Walang Sugat noong1939 at 1957; at Minda Mora noong 1929.
Si Lola Basyang
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niyatungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay nagingpunong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugotna wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo saisang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upangumabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kwento, nag-isip siya ngibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda ng istoryang ito. Naalalaniya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo,Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mgakabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang.Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay maypirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang saLiwayway noong 1925.
Mga Akda
Sarsuwela
Siya ay nakapagsulat ng 26 na sarsuwela. Ang ilan sa mga ito ay angsumusunod:
Minda Mora (Minda The Moor), 1904
Filipinas para los Filipinos (Philippines For The Filipinos), 1905
Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon, 1906
Ang Bagong Fausto, 1907
Ang Opera Italiana, 1907
Ang Tatlong Babae, 1914
Ave Maria, 1919
Ang Tatlong Bituin, 1921
Ang Bayani ng Puri, 1922
Ang Bihag ni Kupido, 1923
Ang Puso ng Isang Pilipina, 1923
Drama
22 drama naman ang kanyang mga naisulat. Ito ang ilan sa kanila:
Sigalot ng mga Filipino at Americano1898, 1910
Ang Sigaw ng Balintawak, 1911
Los ramitos de flores (Flowered Boughs), 1908
Cablegrama fatal (Cablegram of Death), 1916
Nobela
Walang Puno at Walang Dulo, 1910
Parusa ng Diyos, 1911
Mga Bayani ng Pag-ibig, 1923
Ang Puso ng Isang Ina, 1923
Lihim na Kaaway
Luha, Ngiti, Halakhak
Iba pang mga gawa
Ang Plautin ni Periking
Maryang Makiling
Ang Tatlong Prinsipe
Ang Sirena sa Uli-Uli ng Pasig
Ang Pag-ibig ni Mariang Sinukuan
Ang Orakulo ni Lola Basiang
Aurelio Tolentino
Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915)aymandudula,nobelista, atoradorsa wikang Espanyol, Tagalog, atPampango,bukod sa pagigingkatipunero. Si Tolentino ang nagtatag ng Filipinas, atEl Parnaso Filipino.
Kasama ni Tolentino siAndres Bonifaciosa paghahanap ng kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan ngMontalbanatSan Mateo, Rizal. Napili nilaangKuweba Pamitinanna maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mgaEspanyol noong 12 Abril 1895.Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula anghimagsikan saFilipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ngsamahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikinang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de Amigos.Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa pagsulat ngliteratura, at lumikha ng mga dakilang akda, gaya ngKahapon, Ngayon at Bukas(1902);Bagong Cristo(1907);Maring(1908);Buhay(1909);Buhok ni Ester(1914).
Juan K. Abad
Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc,Maynila. Taong 1875 nang siya ay isilang. Sa edad na labinganim (16) aynaisulat niya ang Senos de Mala Fortuna, isang komedia na may anim nayugto. Itinanghal ito sa Dulaang Arevalo sa Sampaloc noong taong 1895.Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sapamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siyasumanib sa Katipunan.Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbongAmerikano. Sa panahong iyon itinatag nila ni Emilio S. Reyes ang Republicang Tagalog, isang pahayagang nalathala sa San Fernando, Pampanga.Noong 1899 ay nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, ang Laon-Laan na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong sa loob ng isangbuwan at pagreportin umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta nahuwag nang sumulat muli.Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isangpahayagang para sa mga manggagawa. Binigyan niya ito ng pangalang Dimas-Alang at pinamatnugutan ng isang Dr. Xeres Burgos. Pagkaraan ng maiklingpanahong paglalathala (3 buwan) ay pinatigil din ito ng mga Amerikano.Sumunod na napagtuunan ng pansin ni Abad ay ang komedia na sakanyang paniniwala ay lumalason sa isipan ng mga Pilipino. Nagalit sa kanya ang mga nagtatanghal ng komedia at moro-moro kaya isinumbong naman siyasa pamahalaan dahil sa pagtatanghal ng mga dulang Mabuhay Ang Filipinas atMapanglaw na Pagka-alaala.Bilang parusa ay ipinatapon siya sa Olongapo at doon niya nasulat angisa nanamang dula, ang Manila-Olongapo." Ang dulang ito ay tumatalakay sabuhay ng mga bilanggo. Nang siya ay lumaya, itinanghal ito sa dulaang Zorilla.Noong Hulyo 7, 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang TanikalangGinto, isang dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mgaAmerikano. Dinakip siyang muli at ibinilanggo.Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal namansa Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli'tmuling pagdakip at pagpapabilanggo kay Abad ay di naging dahilan ng pagtigilniya sa pagsusulat ng mga dulang makabayan manapa ito'y nagiging malakasna tulak upang muli't muling pamilantikin ang kanyang panitik. Kay Juan K.Abad ay angkop ang kasabihang "Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo angtapang."
Julian Cruz Balmaseda
Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikangPilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isangmakata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aralsiya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi nasa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikalna ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyangmga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan atpangkasaysayan.Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating,tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyangpanitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa,Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela aymababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Angkatipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang PangarapLamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel,Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamitniya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ayisang isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy.Siya ay bawian ng buhay noong Setyembre 18, 1947 sa gulang na 52.
Rolando S. Tinio
Si Rolando Santos Tinio ayisangPilipinong makata,dramatista,tagasalin,direktor,tagapuna,manunulatng sanaysayatguro.
Talambuhay
Isinilang si Tinio sa Gagalangin, Tundo,MaynilanoongMarso 5,1937nguni't may pinag-ugat mula saNueva Ecija, kung saan nagmula angkanyang mga magulang na sina Dominador Tinio at Marciana Santos. Noongbata pa lamang siya, nagkahilig si Tinio sa pagsasaayos at direksiyon sa mgakalaro para sa mga pagdiriwang nakakasuotan. Siya ay isang masigasig sapaglalahok sa mga industriya ng mgapelikulang Pilipinoat nawiwili sapagtatrabaho sa mga sikat na artistang Pilipino kung saan hinangaan siyanoong nasa kabataan niya. Siya ay naging aktor ng pelikula at manunulat ngdulang pampelikula. Palagi siyang inilarawan bilang madasalin, tahimik at maypambihirang talino.Nagtapos ngmababang paaralansa Mababang Paaralan ng Lakandulasa Tundonoong 1948, atmataas na paaralansaMataas na Paaralang Letrannoong 1951. Nakamit niya ang Batsilyer ng Pilosopiya na nakamit niyaang dangal na magna cum laude sa edad ng 18 saPamantasan ng Santo Tomasnoong 1955 at Pantas ng Pinong Sining saMalikhaing PagsusulatsaPamantasang Estado ng Iowanoong 1958. Nagtapos din ngmaikling kurso sa sining pandulaan sa pamamagitan ng iskolarsyip naipinagkaloob ng Sangguniang Britaniya saPamantasang Bristolnoong 1968.Nagturo siya ngInggles,Filipino, at kursong sining pandulaan saPamantasang Ateneo de Manila, 1958-1975, kung saan namuno siya ng Kagawaran ngInggles, at sumunod ang Kagawaran ng Filipino.SaIowa, nakilala si Tinio bilang magaling na manunulat na gumamitngIngglesbilang midyum ng Pilipinong manunulat. Sumulat siya ng kanyangkoleksiyong pangmakata: Poot at Ritwal (Rage and Ritual) kung saan nanalo nggawad mula saPamantasan ng Pilipinas. Inilarawan niBienvenido Lumberaangnalikom na ito bilang mabikas at may tunay na walang-kamatayang hagkiskung nakuha mula sa Europeong mapamunang pagsusuring pampanitikan. Saoras na ito, naniwala si Tinio na angIngglesay makakalagis ng mga tikha naninais niyang magbatid para sa kanyang mga likha. Sa pagkakataon, sa isangpanayam, naghatid ng isang manunulat ang kanyang paniniwala sa halagangwikang TagalogsaMalikhaing Pagsusulat. Sa tugon nito, naglathala si Tiniong isang lathalain sa pahayagang pang-iskolar naAraling Pilipino, kung saanang mga nagtataglay na bahagi ng mga tulang Inggles na isinalin sa Tagalog.Ang layunin ng lathalain ay mapatunayan ang kakulangan ng Tagalog bilangmidyum ng manunulat ayon kay Lumbera.Sa kalagitnaan ng dekada 60, bagama't, nagpasiya si Tinio na magsulatsawikang Tagalogat ang produkto ng pagsubok na ito ay ang mga koleksiyonng mga tula na kasalukuyang tinatawag na Bagay. Si Rolando Tinio ay angnatatanging imbentor ng " Taglish" sapanulaang Pilipino. Sa pamamagitan nito,binigay niya ang tunay na hagkis sa tula ng likas na Pilipinong nasakalagitnaang antas ng lipunan. Noong 1972, sumulat si Tinio ng isa pangkoleksiyong panulaan: Sitsit sa Kuliglig at dito ipinakita ang mahusay napagkakaiba ng kanyang luma at bagong adbokasiya. Kung sa Poot at Ritwal (Rage and Ritual), mga paglalarawan ng sining at ang artista na di-gaanongmay ugnayan sa pamamaraan ng pamumuhay ng Pilipino, ang Sitsit saKuliglig ay malinaw na naglalarawan ang mga pang-araw-araw karanasan nglumaki sa Tondo na nakatira sa kasalukyan sa kataasan ng Loyola. Langit atlupa; ang awang sa pagitan ng mga likha ni Tinio saIngglesat mga nasasa Tagalog.Siya ay ikinasal kayElla Luansing, isa ring aktor at direktor, at maydalawang supling na isa sa kanila ay aktor na si Victoria.
Pamamahala sa dulaan
Dulaang Pang-eksperimento ng AteneoSi Tinio ay isa ring aktor, direktor, at tagapagdisenyo ng entablado atkasuotan. Hinawakan niya ang mga tungkuling ito sa kapanahunan ng kanyangpagtahan saDulaang Pang-eksperimento ng Ateneo. Siya ay pumipili ng mgadula, nagdidisenyo ng entablado, namamahala, naglilikha ng mga kasuotan atnagpapasiya ng mga lapat pangmusika at iba pang mga tunog. Ang mgapagtatanghal ngDulaang Pang-eksperimento ng Ateneoay kanyang ganap napananaw. Sa kanyang pagtatanghal ngOedipus Rex, hinalili niya ang mgakasuotangGriyegona may mga makabagong rendisyong gawa sa tubong metalna inakalang ipahayag ang kaisipan ng malaindustriyang ika-20 siglo.Ang kanyang likha saDulaang Pang-eksperimento ng Ateneoayipinahiwatig ang konsepto ng aktor sa pagiging isa sa mga antutay ng direktorsa paghuhubog ng entablado; ipinahiwatig ang kanyang pananaw sapamamagitan ng aspekto ng pagtatanghal. Ang pagtatanghal ay ginanap sasilid-aralan sa halip na awditoryum at ginawa ni Tinio ang mga aktor namakisalamuha nang malaya kapiling ang mga manonood. Walang tunay na"kahulugan" sa kilos at wala ring pihadong hangganan ng kuwento. Ang"kahulugan" ay nakatago sa mga tikis na kilos ng mga aktor at di-inaasahangtugon ng mga manonood.
Teatro Pilipino
Mula't sapul, lalo na para sa Teatro Pilipinokung saan itinatag niya atnamahala sa direksiyon mula 1975 hanggang 1992, nakapagsalin siya ang mgapangunahing dula ninaEuripedes,William Shakespeare,Anton Chekhov,Albert Camus,Oscar Wilde,Eugene lonesco, at marami pang iba.Nagpakita rin siya bilang aktor sa mga dula, gumaganapbilangCaligulasaCaligulanoong 1988; ang baron saAng Ginang sa Hostel,1984; Leonidik saKawawang Maratni Arbusov noong 1986.Siya rin ang nagdisenyo ng entablado at mga kasuotan ng ibang mgapagtatanghal ng Teatro Pilipino, lalo na angPaghihintay Kay Godo.Noong Pebrero 1992, nagpasiyang isara ang dulaang ito sa pamamagitanng pagtatanghal ng pamamaalam naIkalabindalawang GabiniWilliam Shakespearepagkatapos ng kamatayan niElla Luansing.
No comments:
Post a Comment