Friday, December 14, 2012

Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region

 Likas ang kagalingan ng bansa sa panitikan. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay may panitikang maipagmamalaki. Ang panitikan ng Pilipinas ay ang kabuuan ng mga gawa na pasalita o nakasulat. Maiuugat ang panitikan ng bansa sa pangkat etnikong tradisyon, na binubuo ng mga pasalitang panitikan. Ang panitikang ito ay kakikitaan ng purong kultura ng mga katutubo at wala pang bahid ng lahing dayuhan. Ang kagalingan nating mga etnikong grupong ito ay naingatan at naitago sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga ito sa sa bawat henerasyon. Isa na nga dito ang panitikan ng Cordillera. Matatagpuan sa mga matatayog na mga kabundukan ay ang mayaman na kultura ng mga katutubo kahit na hirap pa rin ang mga dalubhasa na tukuyin ang pinagmulan ng mga ito. May mga nagsabi na ang mga taong ito ay nagmula sa mga karatig bansa ng Pilipinas, ang iba naman ay naniniwalang dating sa kapatagan nakatira ang mga katutubo at dahil na lamang sa panankop ng mga Espanol kaya’t napilitan silang lumipat sa mga bundok ngunit may ibang paniniwala ang mga taong naninirahan dito. Ngunit ganun pa man ay mayaman pa rin sa panitikan ang mga taga-Kordilyera.
 Malimit na binabansagan ang mga ito na Igorot, na bansag lamang ng mga dayuhan. Kakabit nito ang pagkilala sa kanila bilang sanggano at walang pinagaralan. Sa ganitong kadahilanan ay hindi matanggap ng mga tao sa Kordilyera ang bansag sa kanila bilang mga Igorot. Kagaya nga ng inilahad sa unang bahagi ng papel na ito, maraming klase ng tao ang naninirahan dito. Ang mga Bontok, Ibaloy, Ifugao, Isneg, Kalinga, Kankanay at Tinguian and mga katutubong nakatira sa Kordilyera. Ang mga grupong ito ay may kanya-kanyang natatanging lugar kung saan sila matatagpuan. Ngayon ay malalaman na ang mga ito ay naghalu-halo na sa Kordilyera dahil sa migrasyon ng mga ito. Ang pagkakahalo ng mga ito ay nagpahiwatig ng pagkakaparehas nila sa paniniwala at gawain. Parehas ng ikinabubuhay ang mga tao ditto gawa ng paligid nila, ang lipunan ay binubuo ng angkan o mga kamag-anakan, mga pagdiriwang na ang mga nagsasagawa ay ang mga makapangyarihaan sa lipunan upang mapanatili ang kanilang katayuan sa lipunan at pati sa iba’t ibang ritwal ay halos magkaparehas ang mga grupong ito. Makikita ang matinding pagpapahalaga ng mga katutubo sa mga ritual at gawain para sa diyos. Sa ganitong kadahilanan din mauugat ang pagkahango ng panitikan nila sa ritual. Malimit na gamitin ng mga katutubo ang panitikan sa mga gawaing pangritwal.
 Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring mahati sa dalawang uri ang pangritawal o di-pangritwal. Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang mga ito ay maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Sa kabilang banda, ang mga di-pangritwal na panitikan naman ay kinabibilangan ng mga may pormang sekular na maaaring gamitin sa maraming iba’t ibang okasyon gaya ng mga pagdiriwang, gawaing panlibang at pagpapadama ng mga saloobin. Ang Panitkang Kordilyera ay matatalakay pormang: epiko, tula, awit, mito, alamat, kuwentong bayan, salawikain at bugtong.

Epiko
Karamihan ng mga epikong tradisyon ng bansa ay naglaho na ngunit sa Kordilyera ay may makikita na lamang ng kaunting epiko na naitago at naisulat na, ang Hudhud at Alim ng Ipugaw, Ullalim, Gasumbi at Dangdang-ay ng Kalinga, Bindian ng Ibaloy at Kanag Kababagowan ng Tinguian. Ito ay tunay na mababakasan nang pagka-Pilipino dahil sa pagkaparehas nito sa ibang epiko ng bansa na naglalahad ng paglalakbay at ginawang kabayanihan ng isang bayani na nagtataglay ng katangian at paniniwala ng mga tao sa lugar na iyon.
Sa Hudhud ay maipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na katauhan kilala sa kanyang yaman at kapangyarihan. Marami ang bersyon nito ang natagpuan sa Kordilyera at karamihan ng kwento nito ay tungkol sa kanyang pagkapangasawa kay Bugan. Ang hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta tuwing nagtatabas ng damo, nag-aani ng pananim at tuwing may namatay na mataas na tao sa lipunan. Ito ay ginagawa ng mga mamamayan sa kabila ng mga paghihirap na nangyayari sa kanila upang lumalakas ang kanilang loob dahil sa pag-awit ng hudhud. Si Aliguyon, katulad ng isang bayani, ay nagbibigay inspirasyon sa mga tao. Inilalarawan ni Aliguyon ang mga katangian ng isang Ipugaw. Ang hudhud ay ay kalimitang tinatawag na kantang pang-ani dahil sa ito ay kalimitang kinakanta tuwing nagaani.

Walang itong sinusunod na gabay kung paano ito isusulat.

Ang mas sikat na ullalim naman ng mga taga-Timog Kalinga ay mga mahahabang awit na kinankanta ng mga lalaki o ng mga babae na kaiba sa hudhud na kinakanta lamang ng mga babae. Ang pagkanta nito ay ginagawa tuwing may pagdiriwang at kasunduan. Nilalaman ng ullalim ang mga ulat sa labanan, pamumugot ng ulo at matapang at makisig na pakikipagsapalaran ng isang bayani. Binibigyan ng pokus ng mga ito ang katapangan ng mga taga-Kalinga. Naglalaman din naman ito ng romansa, kakaibang kagalingan sa mga Gawain, kapangyarihang kahima-himala at mga matagumpay na mga paglalakbay at pakikidigma. Sa pag-aaral ng ullalim ay makikita din ang mga pang-araw araw na karanasan ng mga tao sa Kalinga.

Kasalungat ng hudhud, ang ullalim ay gumagamit at sumusunod sa mga gabay pangtula.

Sa Hilagang bahagi naman ng Kalinga ay mayroon ding gulong ng epiko, ang gasumbi. Ang pangunahing tauhan dito ay si Gawan. Ang gasumbi ay kalimitang kinakanta sa gabi at gabi ng kanilang pag-aani. Ito rin, gaya ng ullalim, ay tungkol sa pamumugot-ulo ng mga taga-Kalinga, pangligawan na nahahaluan ng salamangka at hiwaga.
Ang dangdang-ay ng Kanlurang Kalinga na may tauhan na ang pangalan ay Magliya or Gono.

Ang mga Ipugaw ay mayroon pang isang klase ng epiko, ang alim. Ang alim ay kalimitang ginagamit sa mga ritwal na gawain lamang. Ang Alim ay ginagamit para sa mga namatay, may sakit at ritwal ng paggawa at paglagay ng hagabi (isang malaking bangko). Ngunit mayroong mga nasusulat na ginagamit din ito sa ibang mga kaparaanan tulad ng: mga malakihang pagdiriwang at pag-aani. Ang mga tauhan ditto ay mga mahihiwagang nilalang at hindi mga tao lamang. Ang mga kumakanta nito ay mga lalaki.

Ang Bindian ng mga Ibaloy ay lumiliban sa kalimitang kuwento ng epiko sa bansa. Ang bayaning si Bindian ay hindi kasing matagumpay ng ibang bayani sa mga epiko ng bansa. Sa kuwento ng epikong ito, si Bindian ay susubuking iligtas ang diyosang si Bugan mula kay Kabuniyan, ang diyos ng langit. Si Bugan ay magiging isang talon habang si Bindian ay makakapangasawa ng isang ahas na naging tao ngunit nanatili ang pagmamahal niya kay Bugan.

Sa kanlurang bahagi ng Kordilyera ang mga Tinguian ng Abra ay makikita ang Kanag Kababagowan. Ang epikong ito ay ginagamit tuwing magaani, na nagsisilbing kasiyahan ng mga trabahador. Ang mga pangunahing tauhan ng e[pikong ito ay sina Apo-ni-Bulayen, Apo-ni-Tulau at si Kanag. Ito ay kinapapalooban ng mga mahiwagang mga katauhan at bagay.

Ang mga ito ang mga nalalabing mga epiko ng Kordilyera.

 Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera at CCP Encyclopedia of Philippine Art)
  1. The Harvest Song of Aliguyon (Ipugaw)
Ang kuwento ay tungkol sa pakikipaglaban ni Aliguyon sa kanyang karibal na kaaway na si Pumbakhayon. Pumunta si Aliguyon sa lugar ng kaaway at hinanmon ito. Ang mga ito ay naglaban habang pinapanood lamang ng nanay ni aliguyon ang mga pangyayar. Nagagawa lang nilang tumigil upang kumain. Ang labanan ay matatapos isa at kalahating taon. Bumalik si Aliguyon sa Hananga, ngunit dinala ni pumbakhayon at kanyang mga alagad ang digmaan doon. Nagtagal din ito ng isa at kalahating taon at tumitigil lamang sila upang kumain. Pagtapos ng sunud-sunod na labanan ay napagkasunduan na lamang itigil and digmaan kasabay nito ang pagkasal kay Aliguyon at Bugan, kapatid ni Pumbakhayon at Pumbakhayon Aginaya, kapatid ni Aliguyon. Ipinapakita na ang pagkakasal sa dalawang miyembro ng nagdidigmaang tribo ay napagkakasundo sila.
  1. The Heroic Exploits of Banna (Kalinga)
  2. Hudhud of Bugan With Whom the Ravens Flew Away at Gonhadan (Ipugaw)
  3. Hudhud of Aliguyon Who Was Bored by the Rustle of the Palm Tree at Aladugen (Ipugaw)




    Mga Awit
    Tunay na ang mga Pilipino ay masiyahin bilang katunayan nito ay makikitaan natin ng iba’t ibang awit ang mga katutubong Pilipino. Ang awit ay isang instrument upang maihayag ng isang tao ang kanyang saloobin na salungat sa mga epiko, mito o alamat. Ang mga etnikong awiting ito ay maaaring mahati sa dalawa ang liriko na naghahhayag ng damdamin at ang naratibo na nagkukuwento ng mga gawain at pangyayari sa kanilang lugar. Hindi nawawala sa pang-araw araw na gawain ang ang musika. Ang mga awitin ay puwedeng kantahin ng isang tao lamang o grupo sa bahay o sa malaking pagdiriwang man. Ayon kay Jose Maceda, walang isang natatanging tawag sa awit ang mga taga-Kordilyera ngunit ang mga ito ay may mga natatanging pangalan sa iba’t ibang klase ng awit.

    Isang klase ng awit ay ang salidommay na pinakasikat sa lahat. Ang salidommay ay kalimitang inaawit sa panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at biglaang mga kasiyahan. Hindi ito nakabase lamang sa isang gawain. Katulad ng salidommay, ang dodong-ay ay ginagamit din sa iba’t ibang pagdiriwang. Ito ay hindi ginagawa sa isang natatanging gawain.

    Marami pang mga ibang anyo o klase ng awit na nakakabit sa mga ritwal at pagdiriwang. Ang dujung ng Ibaloy ay para sa libing ng isang namatay. Ang bajun at chajang ng mga Ipugaw na inaawit sa pakikidigmang ritwal. Ang tubag na inaawit ng mga Kalinga sa pagkakasundo ng kapayapaan at ibi para sa pag-alala sa namatay. Ang Tinguian na umaawit ng mga diwas kapag mayroong may sakit, sang-sangit para sa pagtapos ng libing sa hapon, dawak na kinakanta upong tawagin ang mga kaluluwa upang masapian at naway na inaawit sa pagtatapos ng pagluluksa sa namatay. Ang mga Bontok ay may ayoweng at charngek na inaawit tuwing nagtratrabaho ang mga tao sa palayan at annako para sa pag-alala sa namatay. Ang mga awit na ito ay naglalarawan ng mga gawain na pangaraw-araw.

    Tunay na makikita ang kahusayan ng mga tao sa Kordilyera dahil sa mayaman na awitin ngunit sa paglaganap ng bagong hayag na relihiyon sa Kordilyera, ang Kristiyanismo at iba pa, ay kumonti na ang maraming uri o klase ng awit.

    Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera)

    1. Day-en (Kankanay)
    Come, sleep,
    I shall lie down,
    On my smooth sleeping place,
    Then I shall wake up,
    To work for wages,
    to be able to taste
    Dayakan-palay,
    as I have enough of the sigang-taro;
    to the devil with Bugan,
    Bugan in the sky,
    As she surely reserves
    the carrying of the drag
    for the poor;
    it were better if she had given to all the same
    sweet rice.

    1. Dalan Mapan Ko Langit (Isneg)
    We are children. We are innocent,
    And if we know the way, we will go to heaven.
    We are children. We are innocent,
    Because we do not eat rice yet.
    If we know the way, we will go to heaven.

    1. Salidommay (Kalinga)
    I wish to find the eternal spring.
    I shall take the Dangwa bus for Lubuagan.
    If by chance we meet
    When the moon is full,
    Then we shall go together.

    1. Inya’heng’s Pride (Ipugaw)
    Ugh! Ugh! She is Inyaheng
    Who trots about as she walks
    Whose display is like that of the wealthy
    But behold her well, she’s not forsooth.
    Ugh! Ugh! She is Inyaheng.

    Mito
    Ang mga mito ang pinakanaapektuhan ng pagkawala kasabay ang paglaganap ng impluwensiya ng mga taga-kapatagan at ng relihiyong Kristiyanismo. Isang klase ng mito ay ang diam ng Tinguian. Ang diam ay ginagamit pangritwal, ang mga mito ay malimit na ginagamit pangritwal. Ang mga diam ay nagbibigay paliwanag sa mga pinanggalingan ng isang nakaugaliang pangritwal at dahilan ng paggawa ng mga ito. Ang mga naitalang mito sa pag-aaral matapos ang ilang taon ay naglaho dahil sa mga unang nabanggit na kadahilanan.

    Malimit na napagsasama ang mga mito sa alamat dahil sa ito ay pinaniniwalaang hango sa mga totoong nangyari at nagpapaliwanag sa mga pinanggalingan ng mga bagay. Ang kaibahan ay ang pagiging sagrado ng mito kaysa sa alamat at paggamit ng mga mahiwagang tao bilang pangunahing tauhan. Dahil dito ang mga mito ay ginagamit lamang sa may mga piling lugar at panahon. Ang mga pagaaayos sa kaanyuhan ay hindi na pinapansin ng mga tao at sa halip ay pinag-iisa na lng ang katawagan sa mga ito, ang mga kuwento.

    Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera)
    1. How Balitok and Bugan Obtained Children (Ipugaw)
    2. Lumawig and Kabigat (Kankanay)
    3. Chacha and Ked-yem (Bontok)
    4. Balitok and Kabigat (Ibaloy)
    5. Kabukab (Kalinga)



  



  

1 comment: