Isang araw ay nadaig sila ng udyok na dumalo sa isang malakingpiging na idadaos sa pulo ng Guimaras. At sa halip na tumungo sasimbahan noong araw na iyon ay sumakay sila sa isang paraw obangka at pumaroon sa pook ng kasiyahan.
Ang kanilang ina ay balisang- balisa dahil sa hindi pag- uwi ngkaniyang mga anak na dalaga. Sa katatanong at kahahanap aynatanto niya ang nangyari, kaya sa malaking poot ay isinumpa angmga anak at sinabi:
“Kung gayong nauna pa at mas higit sa kanila ang kasiyahan kaysa saDiyos ay maanong mangahulog na sila sa laot.
Ang sumpa ay tumalab, ang mga anak na dalaga ay hindi nanakabalik, pagkat nang sila ay nasa laot na ay lumubog na bigla angbangka na kanilang sinasakyan, at ang mga magkakapatid aynangalunod. Siya naming paglitaw ng mga pulong maliliit, pito angbilang at magkakalapit. Pinamagatang “Siete Pecados” o pitongkasalanan, at ipinalagay na ito ang mga yumaong magkakapatid.
No comments:
Post a Comment