Tuesday, December 11, 2012

PARABULA NG AMA, ANAK AT KALABAW


PARABULA NG AMA, ANAK AT KALABAW

            Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

            Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid.

            Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

            Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak.

            Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: “Hay naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw.”

            Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak.

            Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: “Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo.

            “Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.

            Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

2 comments:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete