Noong si Apolinario Mabina ay nag-aaral pa sa Maynila ay nagnais din siyang mamusturang gaya ng kanyang mga kamag-aaral.
“Inay,” ang sinulat niya sa kanyang inang nasa lalawigan, “padalhan naman ninyo ako rito ng salapi upang maibili ko ng mga damit. Ako lamang ang hindi pustura rito.”
“Kaawa-awa naman ang aking anak,” ang naibulong sa sarili ng ina. “Gagawin ko ang lahat upang mapadalhan ng salapi si Apolinario.”
Tiniis ng ina ang init ng araw sa gitna ng bukid nang mahabang panahon. Tiniis niya ang lamig ng ulan at ang hampas ng hangin sa paggawa sa bukid. Ipinagbili niyang lahat ang kanyang aning palay at kape. Ang mga pise-piseta niyang naipon sa mahabang panahon ay ibinuhol sa kanyang alampay at ipinadalang lahat sa naka na nasa-Maynila.
Nang kalagin ni Apolinario Mabino ang buhol at makita niya ang pise-pisetang unti-unting inipon ng kanyang ina, ay nangilid ang kanyang mga luha. Hindi na salapi ang nakita niya sa alampay, kundi hirap, pawis at luha ng kanyang ina. Hindi niya nagawang gugulin sa pamumustura ang ipinadalang iyon ng ina.
Nang namatay si Mabini, nakita ng isa niyang kamag-anak ang mga pise-pisetang iyon na nakabuhol pa sa alampay ng nasira niyang ina.
(Mula sa Filipino: Sa bagong panahon. Pahina 37-38; nina Matute, 1987)
No comments:
Post a Comment