Tuesday, December 11, 2012
Alamat ng Nangka Marikina
Ang Alamat ng Nangka
ni: Jonathan Javier
Noong unang panahon, may isang lugar sa Marikina na hindi pa kilala.Ang lugar na ito ay masukal, maraming puno at may isang maliit na batis naumaagos sa mahabang daan. Sa gitna ng lugar na ito ay may nakatayong kuboat doon ay nakatira ang mag-asawang Aling Lala at Mang Kaka. Ang mag-asawang ito ay napakasipag at napakabait dahil lahat ng mga taongpumupunta at lumalapit sa kanilang bahay ay kanilang pinatutuloy kahit nahindi nila ito kakilala.
Masipag ang mag-asawang Lala at Kaka. Nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng gulay at tuwing sumasapit ang anihan ay inilalako ito ni Aling Lala paramayroon silang pambili ng bigas at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan. Nagtatanim din sila ng iba’t ibang uri ng prutas na halosnakapalibot ito sa kanilang bahay na siya namang pinagkakaabalahang anihinni Mang Kaka tuwing namumunga at inilalako sa palengke.
Matagal ng naninirahan ang mag-asawa sa lugar na iyon. Halos doon narin sila tumanda ng ilang taon at sa kasamaang palad, hindi sila biniyayaan nganak. Ngunit malaki parin ang kanilang pasasalamat dahil sa mga biyayangipinagkaloob sa kanila ng panginoon.
Isang araw, may dumating na grupo ng kalalakihan sa kanilang bahay.May mga hawak na armas. Hindi alam ng mag-asawa kung ano ang pakay ngmga ito. Nagsalita ang isang matangkad na lalake.
“Umalis na kayo sa lugar na ito!” Sa nabanggit ng lalakeng ito ay agad na
bumwelta si Mang Kaka at akmang galit sa lalake.
“Bakit kami aalis dito? Ano ang karapatan ninyo upang kami ay paalisin?”
“Kailangan na ninyong umalis dito dahil ipapaputol na namin ang mga punong kahoy at patatayuin ng mga bahay.” Ngunit nagmatigas parin ang mag-asawa. Ayaw talaga nilang umalis sa kanilang lugar. “Dito kami tumanda at dito na rin kami mamamatay!” Ang galit na sabi ni Aling Lala.
“Umalis na kayo dito! Hindi ninyo kami mapapaalis. Layas!” Ang sigaw ni
Mang Kaka.Umalis na nga ang mga kalalakihan ngunit nag-iwan naman ito ng isangsalita at babala sa mag-asawa.
“Pagbalik namin dito, dapat ay nakaalis na kayo dahil kung hindi, pipilitin na talaga naming kayong umalis o kaya’y may mangyayari sa inyo!” Makalipas ang isang linggo, bumalik ang grupo ng kalalakihan sa bahay ng mag-asawa at pilit nila itong pinapalayas. Lumabas si Mang Kaka. “Hindi ninyo kami mapapalayas dito! Magkapatayan man, ipaglalaban naming ang
aming karapatan.” Walang anu
-
ano’y ikinasa ng isang lalake ang kanyang baril at itinaas saka nagpaputok. “Umalis na kayo! Dahil kung hindi, papatayin namin kayo.”
“Hindi kami aa….” Akmang itutuloy na sana ni Mang Kaka ang kanyangsasabihin ng bigla itong binaril sa dibdib. Natumba si Mang Kaka at sakaisinunod naman si Aling Lala. Nang napatay na nila ang mga ito, sinunognaman nila ang kanilang bahay kasama ang bangkay ng mag-asawa. Naabo itoat ni isa ay walang natira kahit buto man lang.
Pagkalipas ng ilang linggong pagkaka sunog, bumalik ang mga grupo ngkalalakihan at sa mismong nasunog na bahay ay may nakita silang tumubongisang puno ng kahoy na namumunga ng pagkalakilaki at may tusok tusok sabalat. Tinawag nila itong Langka at di naglaon ay naging Nangka na siya nangayon ay isa ng barangay sa Lungsod ng Marikina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment