Saturday, November 10, 2012
Ang Pinagmulan ng Tagalog
ni Antonio, Emilio Martinez
Ayon sa sali’t-salin sabi, ang pagkakatawag ng TAGALOG sa mga mamamayang nasa pinakpuso ng GITNANG LUSON, ay likha ng isang pagkakataon lamang.
Umano nang panahon ng mga Kastila, ay may isang nayong nasa may hanggahan ng lalawigan Bulakan at lalawigang Nuweba Esiha. Ang nayon ay napabantog hindi dahil sa may maliit na batis ito, na dinadaluyan ng malinaw na tubig; at may matatabang lupaing natatamnan ng maraming namumungang punungkahoy; kundi dahil sa pagsilang doon ng isang napakagandang dalaga, na ang pangalan at Talya.
Dahil sa pambihirang kagandahan ni Talya. Ang nayong iyon ay pinagdarayo ng mga binatang nagbubuhat pa sa iba’t-ibang pook at bayan. Sa nayong iyon si Talya lamang ang may pinakamaraming binata na pawing namimintuho at nakikipagsapalaran sa pag-ibig ng dalaga.
Bagama’t si Talya ay walang sinumang sinasagutan sa mga binatang nanunuyo sa kanya, magiliw naman niyang pinakikiharapan ang lahat. Sapagka’t wala siyang malamang piliin, ay gumawa siya ng paraan upang minsanang matipon sa kanilang tahanan ang mga binatang iyon at saka niya sinasabi ang ganito.
- Sino man sa inyo ang unang makapagdala sa aking harap ng isang
malaki, malakas at buhay na sawa, ay siya kong iibigin at pakakasalan.
Halos lahat ng kaharap niyang binata ay pawing natigilan at hindi nakapagsalita. Nguni’t anu-ano ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang yaon.
- Ako ang nangangako sa iyo Talya... – matatag na sagot ng binatang si
ILOG, na kilala nilang lahat sa katapangan.
Sa pagkakatigagal ng mga kaharap na binata ay umalis sa ilog noon din, nagbulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tinitiyak nilang hindi na makababalik si ilog.
May ilang oras na nakararaan ay hindi nga nagbabalik si Ilog. Nangangamba naman si Talya at ikalulungkot niyang mapahamak ang binatang matapang at masunurin.
Nguni’t walang anu-ano ay dumating si Ilog, na hawak ang leeg at sa buntot ang isang malaking sawa. Namangha ang mga binatang dinatnan at pati naman ng mga taong nagdaraan nang makitang hawak-hawak ni Ilog ang napakalaking sawa.
- Talya! – ang malakas na sigaw ni Ilog, - narito ang sawang
Pinahahanap mo. Ano pa ang ibig mong gawin sa sawang ito upang mapaligaya ka?
- Tagain mo ang sawang iyan: - ang sigaw ni Talya.
Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkakapigil nito sa buntot; at hinugot sa baywang at hinugot sa baynang nasa baywang niya ang matalim na gulok. Tinaga ang dakong buntot na sawa.
Siyang pagdaraan noon ng dalawang kasadores na Kastila. Dahil sa nagkakagulo ang mga manonood kay Ilog, ang akala ng mga iyon ay may itinatanghal sa nayong iyon.
- Ano bang palabas iyan, at ano bang bayan ito – ang tanong ng
Dalawang Kastila, na napatingin pa kay Talya.
Nagkataon naming nakita ni Talya, na ang sawa ay ibig bumawa ng huling pagtatanggol sa sarili. Nang maputulan ng buntot ay namilipit ito sa binti ni Ilog, kaya’t sa takot nitong malingkis ang binata napasigaw si Talya: Taga, Ilog!... Taga Ilog- na ang ibig sabihin ng dalaga ay tagain pa uli ni Ilog ang nasabing malaking sawa. At kung patay na naman iyon ay handa na siyang pakasal sa matapang na binata.
Ang akala naman ng dalawang Kastila, ay sinagot sila ni Talya sa kanilang itinatanong; kaya’t isinaulo pa nila ang mga katagang: Tagailog, Tagailog!
Hindi na hinintay ng dalawang Kastila na matapos pa ang akala nila’y palabas sa pook na iyon. Nang dumating sila sa kabayanan ay isiniwalat ang kanilang nasaksihan, na naganap sa bayan ng Tagailog, na nang lumaon ay na tinawag na TAGALOG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment