Saturday, November 10, 2012

Alamat ng Dama de Noche


ni Antonio, Emilio Martinez

          Sa buong kapuluan ng Sulu na malapit sa Kamindanawan, ay may isang Sultan na napabantog sa kaniyang kabagsikan at katapangan. Siya ay si Sultan Baranggay na maraming pinasukong kaaway, kaya’t wala nang makapangahas na lumaban sa kanya. Nguni’t kung bantog man siya sa katapangan ay lalo siyang napatanyag sa pagkakaroon ng isang anak na Prinsesa na wala pang kapantay sa kagandahan.
          Ang marikit ma Prinsesa’y kilala sa pangalang Damartuha, na kung tawagin sa kanyang amang Sultan ay sa palayaw na Dama.
          Hindi nakakatakang si Dama ay sambahin ng mga Datu at mga binatang may dugong mahal. Nguni’t sino man sa mga dugong mahal na yaon, ay hindi iniibig ni Prinsesa Dama. Sa ganang Prinsesa, ay hindi siya tumitingin sa kayamanan, kabantugan o kakisigan ng isang binata. Siya ay naniniwala sa kadalisayan isang dakilang pag-ibig.
          Ang lagging libangan ni Prinsesa Dama ay ang mamasyal at mamitas ng mababangong bulaklak sa maluwang na harding nasa mahalamanang bakuran ng palasyo.
          Isang mabait na binatang hardinero ang nag-aalaga naman sa halamanan n Prinsesa. Ang binatang ito na buhat sa maralitang lipi ay si Galamu, na may kilos-maginoo, mapitagan at magiliw kausapin.
          Unti-unting nabuhos ang puso at kalooban ng Prinsesa Damartuha kay Galamu, hanggang sa ang binatang hardinero ay matuto na ring magmahal sa Prinsesa. Lihim silang nag-iibigan hanggang magsumpaang wlang sino mang magtataksil sa kanila.
          Nguni’t ang matamis na pagmamahalang yaon nina Prinsesa Dama at Galamu ay umabot din sa kaalaman ng Sultan. Hindi naatim ni Sultan Baranggay na makaisang palad ng niya ng kaniyang anak na Prinsesa, ang isang hamak na hardinero lamang. Kaya’t nang masubukan ang pagu-uusap ng dalawa, itinaon sa gabi ang tipanan ng magsing-irog, ang pagpapatapon kay Galamu sa malayong kagubatan.
          Nang gabing manaog ang Prinsesa upang makipag-ulayaw kay Gulamu sa halaman, ay hindi nga nakasipot ito ang binatang hardinero. Ang akala ni Prinsesa Dama ay nabalam lamang ang kasintahan, nguni’t nang maraming oras na ang nakalilipas, ay nahinuha niya ang dahilan ng hindi pagsipot ng katipan. Napaiyak siya at ang kaniyang puso’y natigib ng kalungkutan.
-      O, aming Alah! – ang himutok ng Prinsesa habang umaagos ang luha
sa kaniyang mga pisngi, - yayamang ikamamatay ko rin lamang ang pagkawala ng aking minamahal na si Galamu, sa sandaling ito’y gawin mo nap o akong isang halaman! Ibigin mo pong ang bulaklak ko’y maging walang kasimbago kung gabi, upang mapatunayan ko ang kadakilaan ng aking pag-ibig sa kaniya!
          Ang matampang na si Sultan Baranggay na nanunubok pala sa kaniyang anak ay bigla lamang nagtaka ng nakita niyang si Prinsesa Dmartuha’y unti-unting naging halamang nagkaroon agad ng mga bulaklak na namukod ang halimuyak sa ibang mga bulaklak.
-      O, Dama, aking anak! ... Nagyon gabi pinagsisihan ko ang aking
Nagawang pagkakasala sa iyo. Patawarin mo ako, aking anak! – At biglang nawalan ng malay ang Sultan.
          Mula noon ang halamang yaon na kung sa gabi’y nagsasabog ng natatanging bango sa loob ng halamanan ng Sultan ay tinawag ng marami na puno ng Dama, bilang alaala sa naglahong Prinsesa. Nang lumaon ay tinawag na itong “Dama de Noche”

No comments:

Post a Comment