Saturday, November 10, 2012
Alamat ng Cotabato
ni Antonio, Emilio Martinez
Nang panahon ng mga kastila, sa isang baying nasa pulo ng Mindanaw, ay may isang sultang napabantog sa kanyang katapangan. Siya ay si Sultang Karem na kilala sa buong kamindanawan, sapagka’t siya lamang ag tanging pinuno ng mga moron a hindi mapasuko ng mga kaaway na binyagan.
Marami nang bayan at lalawigan sa Mindanaw ang nasakop na noon ng mga Kastila, nguni’t ang baying pinamumunuan ni Sultan Karem, kailanman ay hindi nila nagapi nang lubusan. Tuwing sasalakayin nila ang bayan ng matapang na Sultan, na malapit sa kabundukan, sa simula ay napapasok nila ang halos kalahati ng baying iyon, sapagka’t sila’y may baril; samantalang ang mga morong kampon ni Sultan Karem ay walang panlabang sandata kundi pana at kampilan lamang. Nguni’t tuwing sasapit ang gabi at mamamahinga ang mga sundalong Kastila, sila ay nagagapang ng matapang na kawal na moro. Kaya’t maraming nalalagas sa mga sundalong binyagan at kung may makatakas man ay ilan lamang.
Sa gayon ng gayon, pinag-isipang mabuti ng mga pinunong Kastila kung paano nila magagapi nang lubusan ang baying nasasakupan ni Karem. Nguni’t pinag-isipan din naming mabuti ng matapang na Sultan kung paano sila hindi masasalakay ng mga kaaway na binyagan.
Nagpatayo ang matapang na Sultan kung paano sila hindi na masasalakay ng mga kaaway na binyagan.
Nagpatayo ang matapang na Sultan ng matibay na moog. Pinalagyan niya ng patung-patong na mga bato ang paligid ng baying kanyang nasasakupan. At nang mayari na ang batong tanggulan ng kanyang bayan ay saka pinulong ang kanyang mga kampon at ipinahayag sa lahat ang ganito:
Ngayon ay maaari nang ipakasal ang aking anak na Prinsesa Narduha kay Datu Kawil sa darating na pagbibilog ng buwan, sapagka’t hindi na tayo maaaring salakayin ng atin mga kaaway na banyagan. Matibay na matibay na an gating kulang-bato. Itinatagubilin ko lamang sa inyo na ipagtanggol natin ang kulang-bato ito kahi’t na tayong lahat ay maubos at mangamatay, kaysa tayo’y mapailalim sa kapangyarihan ng ibang hari.
Sa gayong sinabi ng matapang na Sultan ay payukong sumang-ayon ang lahat ng kampon niya. Maging ang Prinsesa at si Datu Kawil ay nasiyahan sa gayong itinagubilin ni Sultan Karem. Nakahanda rin silang ipagtanggol ang kutang-batong ipinatayo ng kanilang naturang magulang.
Nang dumating ang pagbibilog ng buwan at ikakasal na lamang sina Prinsesa Narduha at Datu Kawil ay siyang nagsalakay ang mga kastilang binyagan. Hindi lamang mga baril ang ginamit nilang sandata, kundi sa kauna-unahang pagkakataon ay noon sila gumamit ng malaking kanyon.
Kinanyon ng mga kastila ang matibay na moog na bato. Nang mabuwag ang malaking bahagi ng matibay na kuta ay nagsi-akyat hanggang sa ibabaw ng moog ang mga kampon ng sultan at buong giting silang nakipaglaban sa pamamagitan ng mga pana at kampilan.
- Magsisuko na kayo! – ang sigaw ng mga kawal na binyagan. – Mauubos kayong lahat kapag hindi kayo susuko!
- Susuko kami, kungkami ay patay na! – ang tugon naman ni Datu
Kawil habang pigil niya sa kanyang bisig si Prinsesa Narduha. Gayundin ang sigaw ni Sultan Karem.
At sa walang puknat na panganganyon ng mga Kastila ay naiwasak nila ang matibay na kutang baton ng mga moro, nguni’t ni isa man sa mga kampon ng matapang na sultan ay walang sumuko. Namatay silang lahat. Magakayakap na nasawi sina Datu Kawil at Prinsesa Narduha. Nguni’t nang matagpuan ang malapit nang mamatay na sugatang sultan, narinig ng punong-kawal na binyagan ang paputol-putol na sinabi ni Karem na: - ipag... tanggol... ang... kutang... bato!
Mula noon ang baying iyon ay tinawag ng mga kastila na KOTABATO, na ang kahulugan ay “kutang-bato”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bahagyang nakalulungkot ang kuwentong ito
ReplyDelete