Saturday, November 10, 2012
Alamat ng Batangas
ni Antonio, Emilio Martinez (Kuwentong Pampaaralan)
Kung saan nagmula ang pangalan ng mayamang lalawigang Batangan na ngayo’y lalong kilala sa tawag na Batanggas, ay siyang inihahayag ng maikling alamat na ito.
Matagal nang panahon ang nakalilipas, nang ang isang pangkat ng mga Kastila ay maglibot sa isa sa mga lalawigan sa may timog sa Gitnang Luzon. Nang mga panahong iyon ay wala pang mga sasakyang kagaya ng awto, trak o diyep na tulad ngayon, kaya ang nagsisipaglibot na pangkat ng mga Kastilang iyon ay nagsisipaglakad lamang.
Nakaratig sila sa mga pook na naggugubat sa sari-saring halaman at sa kapatagang tinutubuan ng iba’t-ibang punongkahoy. Doon sila nakakita ng mga puno ng kape, kakaw, abokado, suba, dalandan, dayap at kalamansi. Tangi sa kagandahan ng kailikasang iyan, ang mga Kastilang iyon ay nakarating pa rin sa isang malinaw na batis na may kaaya-ayang ugos ng tubig. Kaya’t libang na libang sila sa magagandang tanawin na kanilang namamasdan hanggang sa makarating sila sa isang pook na napakadalang ang bahay.
Sa kababaan ng paglalakbay, ang pulutong na mga Kastila yaon ay inabot ng matinding gutom. Sa gayon ay nagpatuloy pa sila sa paglalakad, sapagka’t hangad nilang makasumpong ng taong mahihingian nila ng kahit kaunting pagkain.
Hindi naman natagalan at sa kakalakad nila ay nakarating sila sa isang pook na may ilang taong gumagawa ng batalan ng isang bahay. Hindi nalalaman ng mga Kastila na ang nagsigawa ng nasabing batalan ay pawing bataris lamang, na ang ibig sabihin ay walang upa ang nagsisigawang mga anluwage. Iyan ay isang kaugalian ng mga Pilipino sa diwa ng kusang pagtutulungan, na maipagmamalaki sa Dulong Silangan.
Ang mga Kastila ay lumapit sa mga taong yaon, na sa palagay nila ay mababait at mapitagan. Hindi naming nagakabula ang kanilang palagay, sapagka’t nang mapansin ng mga iyon na sila ay pagod at gutom ay binigyan sila ng pagkain. Gayon na lamang ang kanilang pasasalamat at habang sila’y nagkakainan ay sila-sila na rin ang nag-uusap tungkol sa kagandahang loob ng mga Pilipino.
Nang ang mga Kastila ay makakain, bago umalis at nagpaalam ay magalang na nagtanong ang pinakapuno nila sa mga tao:
- “Como, se llama esta provincial?”
Bagama’t ang itinatanong ng punong Kastila ay kung ano ang pangalan
ng lalawigang iyon, sa dahilang ang tanong ay binigkas sa wikang kastila, ay hindi siya naunawaan ng mga tao. Ang akala naman ng punong anluwage ang itinatanong niyon ay kung ano ang kanilang ginagawa, kaya siya ang nangahas na sumagot:
- Batalan, senyor.
- Batalan? – ulit ng tanong ng pinunong Kastila.
Sabay-sabay na tumango ang kaharap na mga tao kaya’t ang akala ng
Pinuno ay iyon na ang ngalan ng lalawigan. Hanggang sa umalis ay inusal-usal ang salitang BATALAN.
Nang dumating sila sa kanilang kuwartel, dahil sa kalituhan sa kauusal sa salitang “batalan” ang naibigay tuloy sa kanilang pinakamataas na puno ay ang katagang BATANGAN. At mula nga noon iyon na ang naging pangalan ng nasabing lalawigan, na kaya lamang napalitan ng BANTANGGAS ay sa dahilan sa ating salitang BATANGAN ay hindi mabigkas na mabuti ng mga Kastila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletesaan pwede basahin ang legend ng batangas
ReplyDeletehow?
ReplyDelete