Saturday, November 10, 2012
Alamat ng Bigas
ni Antonio, Emilio Martinez
Noong mga unang dako, ang bigas ay hindi nakikilala dito sa ating bayan. Ang karaniwang kinakain n gating mga ninuno ay mga bungangkahoy, gulay isda at ang karne ng maiilap na hayop na nahuhuli sa kagubatan na tulad ng usa, baboy ramo at mga ibon.
Umano ang mga ninuno natin noon ay hindi marunong magbungkal ng lupa at hindi rin sila marunong mag-alaga ng mga hayop. Kapag sa tinatahanan nilang pook ay wala na rin mahuling isda at mga hayop, sila ay lilipat lamang sa ibang pook na sagana sa kanilang mga kinakailangan sa buhay.
Sa gayong uri ng pamumuhay ay maliligaya naman sila. Karaniwan nang ang mga lalaki ay nagsisipangaso at ang mga babae nama’y nagsisipamitas ng mga bungang kahoy o kaya’y nagsisipamana ng mga ibon. Bagama’t pangkat-pangkat sila sa paghanap ng kanilang ikabubuhay, ang mahalaga’y ano mang pagkain ang makuha ng bawa’t pulutong ay pinaghahatian ng lahat, isang kaugaliang mahirap nang masaksihan sa panahong ito
Minsan ay isang pulutong ng mga nagsisipangaso ang nakarating sa may libis ng isang kabundukan dahil sa paghabol sa isang mailap na usa. Lubhang nahapo sila, kaya’t ibinaba ang kanilang mga dala-dalahan at nagsipagpahingalay sa lilim ng isang malaking punongkahoy.
Walang anu-ano, mula sa gulod ng bundok ay may dumarating ng mga babaing ang anyo ay hindi pangkaraniwan. Sila’y pawing magaganda at ang kanilang mga katawan ay nababalot ng busilak na liwanag.
Kinabahan ang pulutong ng mga mangangaso nang makitang ang mga iyon ay lumapit sa kanila. Dali-dali silang nagbangon ay nagbigay-galang sa mga bagong dating. Ang mga iyon pala ay mga bathala ng kabundukang iyon. Ang mga mangangaso ay inanyayahan sa isang piging na inihanda sa gulod ng bundok. Hindi naman sila nakatanggi sa anyayang iyon.
Doon nakita ng mga mangangaso kung paano kinakatay ang mga hayop at kung papaanong ang pira-pirasong karne ng mga ito ay tinutubog at isinasalang sa apoy. Nakita din nila ang mga utusan ng mga bathala ay may kinuhang mga biyang na kawayang hinango sa nagliliyab na siga. Nang biyakin iyon ay may lamang mapuputing butyl ay pinagtumpuk-tumpok sa mga dahon ng saging na nakalatag sa ibabaw ng isang hapag na kawayan.
Nang dumulog ang mga mangangaso sa hapag ay nagatubili sila sa pagkain.
- Hindi po kami kumakain ng uod – anang isang mangangaso.
Napatawa ang mga bathala at masayang nagturing;
- Ang mapuputingbutil na inyong nakikitang nangakatumpok sa dahon
Ay hindi uod. Iyan ay kanin o nilutong bigas, bunga iyan ng halamang damo na aming inalagaan dito sa bundok.
Nang matikman ng mga mangangaso ang nilutong bigas ay lubos silang nasiyahan, kaya’t ang nahuli nilang baboy-ramo ay ipinagkaloob nilang lahat sa mga bathala. Bilang ganti naman ng mga bathala ay binigyan sila ng tigisang sakong puno ng mumunting butyl na kulay ginto.
- Iyan ay palay, - anang mga bathala, upang maging bigas iyan ay
Inyong bayuhin, at kung bigas na ay inyong lutuin sa mga biyas ng kawayan na gaya nang makita ninyo rito. Ang ilang sako niyan ay inyong inyong binhiin at itanim sa binungkal na lupa kung tag-ulan at maaari na ninyong anihin sa tag-araw. Sapagka’t alam naming ano man ang makuha niyong pagkain ay inyong paghahatian. Ipamahagi ninyo iyan sa inyong mga kapok at panatilihin ninyo ang inyong mabuting pagtitinginan.
Buong kasiyahang-loob na tinalima ng mga mangangaso ang tagubiling iyon ng mga bathala; at mula noon ang bigas ay nakilala na ng ating mga ninuno, natuto silang magbungkal ng lupa at mag-alaga ng mga hayop.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment