Saturday, November 10, 2012
Alamat ng Buwayang Bato
ni Antonio, Emilio Martinez
Sa isang bahagi ng Ilog Pasig, sa tapat ng simbahan ng Guwadalupe, Makati, Rizal, ay may malaking batong nakausli sa tubig. Kung dati ang tubig ay malaking bahagi nito ang nakalitaw na tila gulugod ng isang malaking buwaya. Ito ay ginagawang bantilan ng mga babaing nagsisipaglaba.
Kung paanong tinawag na Buwayang Bato ang pook na iyon sa nayon ng Guwadalupe ay basahin ang tungkol sa alamat nito.
Noong panahon ng mga Kastila ay isang Intsik umano ang naliligo sa Ilog Pasig, sa tapat ng nayon ng Guwadalupe. Isang taga-nayon ang pumuna sa Intsik.
- Hoy, Beho, huwag kang maligo, riyan, - pagbabawal ng taga nayon. –
May malaking buwayang lumilitaw diya; kulang ka pang lamunin niyan pag nakita ka!
Nagtawa lamang ang Intsik at hindi pinansin ang pag-alala.
- Sa Intsik hindi takot sa muwaya, - pagaril na wika ng nagyayabang
na banyaga.
Hindi pa man halos natatapos ang sinasabi ng Intsik ay siya naming paglitaw ng ulo ng isang malaking buwaya na nagbuhat sa magdamag na pampangin ng ilog. Ang dambuhalang hayop ay mabilis na lumalangoy sa patungo sa naliligong Intsik.
Nahintakutan ang mga nakakasaksi.
Sa malabis na kabiglaanan at pagkatakot ng Intsik ay hindi nito nito nagawang kumilos sa kinaroroonan. Nang malapit na sa kanya ang nakabukang bunganga ng gutom na hayop ay naisipan niyang magsisigaw. Hindi kinukusa, ang pangalan ni San Nicolas ang namutawi sa kanyang mga labi. Taimtim sa kalooban, sinabi umano ng Intsik sa pagaril ng pananagalog ang ganito:
- Mahal na Poong San Nicolas, maawa Ka pos a akin! Loobin Mo pong
Maging bato ang buwayang ito!
Himala ng pangyayari! Noon din ay naging bato nga ang buwaya at naligtas sa kamatayan ang Intsik.
Ang mahimalang pangyayari ay lumaganap sa buong lalawigan at nakarating hanggang sa Lungsod ng Maynila. Ang mga Intsik sa lunsod ay nagbunsod ng isang kilusan sa pangingilak ng gugulin na ipagpagawa ng simbahan sa tapat ng pinangyarihan ng mahimalang pangyayari.
Ang halagang nalikom ay ipinaubaya ng samahan ng mga Intsik sa mga maykapangyarihang Kastila. At hindi nagluwat ay pinasimulan ang pagpapatayo ng isang simbahan sa pook na iyon sa nayon ng Guwadalupe.
Nang mayari ang simbahan ay iniluklok sa damabana niyon ang imahen ni San Nicolas, na hinhinalang Siyang nagligtas sa Intsik sat yak na kamatayan.
Pinagpistahan ang naulit na simbanhan at taun-taon ay pinagdarayo ng mga taong nagbubuhat sa iba’t-ibang lalawigan.
Nguni’t hindi ang bagong simbahan ang nagiging kapansin-pansin sa mga nakikipamista, kundi ang nakalimbutod na batong hugis-buwaya sa may pampang ng ilog sa tapat ng simbahan.
Nang bagong kagaganap ang mahiwagang pangyayari sa pook na iyon, bawa’t taong makamalas sa Buwayang Bato ay dili ang hindi sinasagian ng isang banal na damdaming nagpagunita sa Kalakhan at kahiwagaan ng Dakilang Maykapal. Ang pook na iyon ay naging mapag-anyaya sa kabanalan.
Ngayon, ang nayon ng Guwadalupe ay lalong nakilala dahil sa Buwayang Bato, bilang pag-alaala sa isang mahimalang pangyayaring naganap sa nayong iyon ng lalawigang Rizal. – (Pagdalang Tulong Ni C.V. REGALADO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Extraordinary Read! I am urged how you make your article straightforward. I'll return for more :D
ReplyDeletemosquito net for windows | fly screen repair Dubai