Showing posts with label Alamat ng Sampaguita. Show all posts
Showing posts with label Alamat ng Sampaguita. Show all posts

Friday, December 7, 2012

Alamat ng Sampaguita


Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa mattanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.
Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya'tkung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinisna simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," naako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sagayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo.Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat napanagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapitna buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala....
Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.

Saturday, November 10, 2012

Alamat ng Sampaguita


ni Antonio, Emilio Martinez

Kapuwa lumaki sina Nita at Desto sa isang liblib na nayon na napakalayo sa lungsod ng Maynila. Gayon man, ay kinamulatan nilang nayonay sagana sa biyaya ng kalikasan, kaya’t sila’y nabubuhay nang masagana at mapayapa.
          Sa Nita ay siyang tinataguriang “tala ng nayon” dahil sa kaniyang tinataglay na pambihirang kagandahan. Hugis-puso at may mga labing kakulay ng saga. Nguni’t tangi sa angkin niyang kagandahan, taglay din ni Nita ang likas na kahinhinan at napakagiliw siyang kausapin.
          Si Desto ay isang naming makisig na binata, may matipunong pangangatawan, malakas at masipag. Siya ay magiliw ding mangusap at may kilos-maginoo. Kaya’t sa bunton ng mga nagingibig kay Nita, si Desto ang naging mapalad sa puso ang dalaga.
          Sa lilim ng isang malagong punong kahoy na nakayunyong sa isang batis, makailang ulit na magsumpaan sina Desto Nita, na sila ay magmamahalan sa habang buhay. Gayon man, sa puso ng dalaga ay madalas na mamahay ang pangamba.
-      Natatakot ako, Desto, nab aka baling araw ay makalimot ka rin sa
Akin, - ang minsa’y nasabi tuloy ni Nita sa kasuyo.
-      Huwag kang mag-isip ng ganyan, - ang matatag na tugon ni Desto. –
Maaaring malimot ko ang lahat ng bagay sa mundong, nguni’t kailanma’y hindi kita malilimot, Nita. Lalong hindi ko malilimot an gating sumpaan.
-      Nguni’t paano nga, kung ako’y iyong malimot? – usig pa rin ng dalaga.
-      Narito Nita ang aking matalim na punyal. – sabay abot sa dalaga nag
Hawak na patalim. – Sa sandaling magtaksil ako sa iyo ay maaaring gamitin mo ito upang kitilin ang aking buhay.
          Sa sinabing ito ng binata ay naging payapa na ang kalooban ni Nita. Umasa siyang hindi sisirain ni Desto ang matibay na kapangakuan nito.
          Subali’t nang mangibang bayan si Desto, pagkaraan lamang ng ilang buwan, ay nabalitaan ni Nita na ang katipan niyang binata ay napakasal sa ibang dalaga na higit na mayaman sa kanya. Lubos niyang natalos na tutuo pala ang gayong balita, at nakilala ni Nita, na ang marupok na puso ni Desto ay madaling  masilaw sa kislap ng salapi.
          Gayon man, malabis na dinamdam ni Nita ang paglililo ng katipan. Hindi mapagkatulog ang dalaga at parang ikamamatay niya ang ginawang iyon ni Desto. Nagunita tuloy niya ang matalim na punyal ma ipinagkaloob sa kaniya ng dating katipan.
          Isang gabing kabilugan ang buwan, ay nanaog si Nita nang palihim at nagtuloy sa may  lilim ng punong-kahoy na dati nilang pinag-uulayawan ni Desto. Pagdating niya sa tabi ng batis na iyon, ay inilabas sa kaniyang sukbitan ang matulis na punyal at iniukit sa balat ng punongkahoy na iyon ang salitang SINUSUMPA KITA.
          Ang ibig-sabihi’y sinusumpa niya ang naglililong si Desto.
          Pagkatapos tumungala si Nita sa langit at nagdasal;
-      Mahal naming Bathala, kung mabubuhay po ako nang lagging
Maligalig sa mundong ito sa habang panahon... kunin mo na po ako... at pinatatawad ko na siya!...
          Sa kung anong himala, matapos bigkasin ni Nita ang dasal na iyon, ay biglang naglaho ang liwanag ng kabilugang buwan. Nagdilim ang langit at gumughit ang matatalim na kidlat! ... at nang gabing yaon ay naglaho rin ang buong katauhan ni Nita.
          Kinabukasan sa paghahanap ng mga magulang ni Nita, natagpuan ng mga ito ang punyal na nakatarak sa balat ng punongkahoy na kinatitikan ng mga salitang SINUSUMPA KITA. At pagkaraan pa ng ilang araw, sa paligid ng punong kahoy na iyon, ay may nagsitubong mga halaman, na ang mapuputing bulaklak ay may mahinhing bangong nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ng mga tao.
          Dahil sa ganap na paglalaho ni Nita, ang mga halamang iyon na nakapaligid sa nakaukit na salitang SINUSUMPA KITA ay tinawag ng lahat ang mga iyon na SAMPAGITA.