Friday, January 18, 2013

PANITIKAN NG ARMM



PANITIKAN NG ARMM:

Mga Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan sa Maranao

Sa pagsasaliksik ni Tim Madela ng Mindanao State University hinati niya ang panitikang pasalita sa mga sumsunod: panitikang pangIslam, (1) Panitikang di pang-Islam (2) Katutubong panitikan  na Pang-Islam, at (3) Ang iba pang klasipikasyon (Madale, 1942). 
Sa panitikang di pang-Islam, hinati niya ito sa mga sumusunod: (1) Epiko, (2) Tutol (kuwento), (3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Love fest), (5) Pananaroon (kasabihan),(6) Sowa-sowa-i (drama),(7) Limpangan ago Antoka (Puzzles at Riddles), (8) Rhymes (Sakuba), (9)  Panitikan Pambata (Madale, 1942).
Sa ilalim ng katutubong panitikan pang-Islam ay: (1) Dekir (Dirge Song), (2) Quiza (Religious story), (3) Kandidiagao (Crying over the dead), (4) Khutba (sermons), (5) Koranic Exegesis, (6) Nagpapaliwanag na Pahayag (Explicatory Statements) tungkol sa Islam, (7) Duaos, (8) Relihitosong Kanta, (9) Kadaolat sa Miatal (Madale, 1942).
Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng pananalita, ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing (metaphor). 

KATUTUBONG PANITIKAN SA ISLAM
EPIKO
Darangen
And Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao. Iilang gabi ang nilalaan para matapos ang buong epiko.
Ang mga  pinakilalang kabanata sa Darangen ay ang " Ang Pagdukot kay Paramat a Lawanen, ’’ (So Kiaperawa-i ki Paramat a Lawaen) at, “Ang Pagkamatay ni Bantugan sa Kaharian ng Dagat,” (So Kapnatangkopan a Ragat) (Madale, 1942).
Ito ay mga kabanta pati mga buod nito mula sa Darangen:

  1.  1. Diwatandao Gibon- Ang Unang Paghahari ni Diwantandao Gibon  ;
Sa kabanatang ito, isinasalaysay  kung paano pinamamalakad ni DiwantadoGibon ang kanyang kaharian nang mag-isa. Bago siya namatay, nagbigay siya ng payo sa kanyang mga anak kung paano mamuno. Dito rin isinasalyasay, ang  angkan ng pinakaunang sultan sa Lanao (Madale, 1942).

  1.  2. Sandalinaian Sirig- Nang Dinukot ni Bantugan si Sandalinaian Sirig
Isinasalyasay dito kung paano inakit ni Paramat a Bantugan and prinses, Si Sandalinaian Sirig. Ang buong lamin (silid sa tore) ng prinsesa ay  dinala sa ibang kaharian  nang di niya namamalayan (Madale, 1942).
  1.  3. Minirigi a Rogong – Pag-ibig at Pakikipagsapalaran ni Prinsipe Lomna
Ito ay karugtong ng kabanta, “Kpaloma,” ang kabanata na ito ay ikinulwento kung paano inutusan ni Bantugan si Lomna  na huwag umalis sa lugar habang siya ay wala pa (Madale, 1942).
Si lomna ay iniwang mag-isa  at ang mga tao sa Kadaraan ay gustong maghiganti. Ang ibong Noi ay bumalik  sa Bombaran at nalaman ni Madale ang nangyari. Sinabi niya  sa Nori na pupunta sila at ililigtas nila si Lomna (Madale, 1942).
      4. Kaplombaian a Lena- Ang Pagdukot kay Prinsesa Minoiod  a Damoao
Si Prinsesa Minoiod a Damao ay isa sa mga kasintahan ni Bantugan. Habang wala si Bantugan, siya ay dinukot ng ibang prinsipe. Narinig ni Bantugan.  Ito at kaagad iniligtas siya sa mga kalaban (Madale, 1942).
   5.Paramta a Gandingan- Ang Pagdukot kay Prinsesa Paramta a Gandingan
Nagkaroon ng piging sa Bogabong Komara. Ang prinsesa ay nakabihis          para sa okasyon nang dumating ang diwata mula sa Bembaran.  Nagkaroon ng kadiliman at kidlat. Nang nagging mabuti ang panahon, umopo siya sa isang bato, lakongan tomianong. Nakita siya ni Bantugan. Dinala siya sa Bembaran at ihinarap sa kanyang ama para  ikasal ngunit di pumayag ang ama (Madale, 1942). 
6. Kambabalaian Anonen- Bantugen Linigawan si Walain a Maginar
Alam ni Inaionan o Kampong ( pinuno ng )  na si Bantugen ay kasama si Walain a Maginar. Nang malaman niya ang mga ito, sinabihan niya lahat ng mga datu ng Bembaran na huwag siyang kausapin sa kanyang pagbalik (Madale, 1942).
7. Kapminangoao a Rogong- Ang Pakikipagsapalaran ni Paramat a Bantugen in Minangoao a Rogong
Ang bayani, si Paramt a Bantugen ay nanaginip ng isang magandang prinsesa, si Alongan Labimombao  na pumunta sa piging ng Bembaran.  Sa kanyang panaginip ay   di niya hinayaan bumalik ang prinsesa sa kanila. Ang prinsesa ay nagkaroon rin ng parehong panaginip. (Madale, 1942)
Nagising si Bantugen at tinawag siya ng diwata na papuntahin sa kaharian na iyon. Nagbalatkayo siya bilang isang maitim na lalaki at nakipagkaibigan kay Daridai Mairindo, na anak ng isang datu (Madale, 1942).
8. Kaploma- Ang Planong Pagpapakasal ni Prinsipe Lomna
Dito isinalaysay kung paano humingi si Lomna ng kasal at ng marami pang iba sa kanyang ama, si Bantugen. Hiningi ri n niya nag awing ginto ang buong  lugar (Madale, 1942).
9. Kiaperawa-a ki Paramat a Lawanen-  Ang Pagdukot  kay Prinsesa Lawanen
Ito ang pinakasikat na kabanata sa Darangen. 
10. Kailid a Dempas – Sagayan War Depictions:
Sa kabanatang ito, inilalarawan ang  mga tamang pamamaraan sa pakikibaka. Inilarawan dito ang tamang paraan sa paghawak ng kampilan.  Ang isang mananayaw ay pinagaaralang ang iba’t ibang pamamaraan sa pakikibaka (Madale, 1942).
11. Kangginasaan a Oral- Bantugen Hiniwalay ang Nanay ni Ginasaan a Orai
Nagselos si Bantugen at hinawalayan si Ginasaan a Orai. Nagsimula ito nang makita niya ang kwintas suot ng kanyang asawa. Sabi  niya ito ay bigay ng kanyang ina ngunit ayaw pa rin ni Bantungen maniwala sa kanya (Madale, 1942).
12. Kapagondoga-  And Di-pagkaiintindihan
Dito, ikinwento ni Bantugen ang mga pangyayari kung bakit niya hiniwalayan ang kanyang mga asawa (Madale, 1942). 
13. Kapranona-  Pagtanaw sa Nakalipas
Madalas umupo ang bayani sa bato, lakongan tomianong at inaalala ang mga nakaraang nangyari. Naalala rin niya  ang mga kaharian na kung saan nakipagrelasyon siya sa mga prinsesa (Madale, 1942).
14. Kasonggiringa-  Ang Di-pagkakaintindihan  nina Bantugen at Minoiod
Si Prinsesa  Minoid  ay di tinanggap ni Inaionan o Kampong bilang asawa ni Bantugen. Umalis ang bayani at si Mindanano sa Tonong ay linusob ang lugar.
Si  Daridai Mairindo,  isang batang lalaki ay sinubukan ipagtanggol ang lugar ngunit di niya kaya. Ang prinsesa ay nagpadala ng ibon (Nori) upang hanapin ang bayani at ipagtanggol sila.  Nagkaroon ng pagtutunggali at nailigtas ang prinsesa (Madale, 1942).
15. Kapenggensaian a Rogong-  Ang Digmaan ni  Misoiao
Ito ay tungkol sa paghihirap at tagumpay ni Misoiao sa pakikipagdigma sa kanyang mga kalaban- Ikaharaanens (Madale, 1942).
16. Kianggobat i Misoiao-  Nagdeklara si Misoiao  ng digmaan sa lahat ng digmaan 
Si Misoiao, isang batang prinsipe ay pumunta sa lahat ng kaharian  at nagpahayag ng digmaan upang patunayan ang kanyang sarili. Pumaslang at Linpastangan niya ang mga kapangyarihan. Ang nakapagpigil sa kanya ay si Bantungen lamang na tinuturi niyang ama (Madale, 1942).
  1.  17. Natangkopan a Ragat – Ang Pagkamatay ni Bantugen sa  Natangkopan a Ragat
Ang datu ay nagutos sa lahat ng mga kaharian na huwag kausapin si Bantungen sa kanyang pagdating.  
Nagulat si Bantungen dahil walang gustong makipagusap sa kanya.  Umalis siya  at namatay sa ibang kaharian. Kinuha ni Madale ang kanyang kaluluwa sa isang lugar sa kalangitan at binuhay muli si Bantungen. Ito ay pinkawiling-wili na kabanata dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na ang lahat ng mga asawa at kasintahan ni Bantugen ay nagsama-sama upang bigyan siya ng pugay (Madale, 1942).
  1.  18. Darangen- Rinandang- Ang Paglalakbay ni Prinsipe Rinandong
Sa unang bahagi ng kabanata na ito ay  ipinakita ang pinaglahian ng mga tauhan sa Darangen.
Sa sumunod na bahagi ng kabanata, isinasalaysay nito ang paglalakbay ni prinsipe  Bantugen, Madale, at Rinandang habang papunta sila sa Kiaranda a Ragat. Ito ay kaharian na kapantay ang Bembaran. Lahat sila ay pumunta upang matanawa ang kaharian at ang magandang prinsesa  (Madale, 1942).
TUTOL
Ang tutol ay nahahati sa tatlo: (1) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa Pinagmulan), (2) Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (3) pabula (pangangayamun).
TUTOL SA PAGKAPOON (KUWENTO TUNKOL  SA PINAGMULAN)
Radia Indarapatra
Bagama’t itinuturing ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito ay napapabilang sa kategoryang tutol. Ito ay ayon kay Timan Madela (1942).
Ang Radia Indarapatra ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao at sa Maranao. Sa bersyon ng Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.
Ang tutol ay tumtukoy sa mga pangyayari sa iba’t ibang pagkakasunod: (1) pisikal at political na heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya, (4) relihiyon at mahika,  at iba’t ibang katangian ng  lipunan ng Maranao (Madale, 1942).
TUTOL SA PIYAKAKUYAKAD (NAKAKATUWANG KUWENTO)
  Isang  magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwent na gustong gusto marinig ng mga Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mga kuwento nito ay ang kuwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale, 1942). 
Ang Pagtawid ni Pilandok sa Ilog
Isang araw gustong tumawid ni Pilandok sa ilog ngunit wala siyang bangka. Takot rin siya lumangoy dahil mayroon matatagpuang buwaya doon.  Hindi alam ni Pilandok kung ano ang kanyang gagawin. Umupo siya malapit sa ilog at biglang may naisip siya.   Mabilis niyang sinigaw sa mga buwaya (Madale, 1942).
“Gusto ng datu malaman  kung ilan ang mga buwaya nakatira sa ilog na ito. Kinakailangan na lumabas kayo para mabilang ko kayo.”  
Nang marining ng mga buwaya ito, lumabas ang pinakamatanda na buwaya upang makipagusap kay Pilandok. 
“Bakit gusto ng datu na bilangin kami?”
“Kasi gusto niya pakainin kayo araw-araw.”
Nang marinig  ng mga buwaya ito, lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Dahil sa  sobrang dami nila,  ihiniling niya sa mga bumawaya na gumawa ng maraming mga hanay patungo kung saan siya kinaroroonan. Nang matapos ihanay ng  mga buwaya ang kanilang sarili, sinumula ni Pilandok magbilang.
“Isa—dalawa—tatlo.”  Habang ibinibilang niya ang buwaya, lumundag siya  mula sa likod sa isang buwaya patungo sa isa. Nang  marating  niya ang kabilang banda ng ilog, lumukso siya. Tumingin siya sa likod, sabi niya sa mga buwaya.
‘’ Ha, ha, ha, naloko ko kayo. Walang gustong gawin ang buwaya sa inyo.’’ Nang sabihin niya ito,mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang bahay (Madale, 1942).

PABULA-PANGANGANYAMON
Mahilig ang mga kabataan sa mga nakakatuwang kuwento. Bukod pa ditto, mahilig rin sila sa mga kuwento tungkol sa mga hayop o pabula.  Halimbawa nito ay ang Unggoy at Ang Tagak (Madale, 1942).

TUBAD- TUBAD – MAIIKSING TULANG PAMPAG-IBIG
Noong una, ang mga  Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso para   iphayag  ang kanilang nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga ito para di masakit sa iba (Madale, 1942).

Flying hard  the swift is 
Trying hard to catch up with the hawk
But he can not equal him
Because he is far too small.

Ito ay may iba’t ibang interpretasyon depende  sa okasyong ginamit ito. Kung sa conteksto na pag-ibig, maaring ibig sabihin nito na hindi mapapantayan ng isang mangiibig ang isa dahil ang isa ay masmataas o masmagaling kaysa sa kanya. Ang isa pang interpretasyon ay ang literal na kahulugan na ang lawin ay di makakapantay sa agila (Madale, 1942).
KADAONGA (LOVE FEST)
Kapag gusto ng lalaki  magphayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahay at may kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan, ang babae mayroon  ring tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon.
Ito ay halimbawa ng sagot nang lalaki matapos sagutin ng babae kung mayroon ba itong pag-asa  (Madale, 1942):

Ino ko di 
Papanok ka so Nori
Apai so samber ian
Da ngka kasampiroti

Why will i not be sure
that the bird Nori is mine
When in flight it is free
but when it perched it's caught

PANANAROON- MATALINGHAGANG KASABIHAN
Ang mga pananaroon ng mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isang bata upang matuto o uyamin ang tao. Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat, isinasapuso ito ng mga bata at nagiging bahagi ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala (Madale, 1942).
Hal.:
So bawing a ketesen
Na mi song bo sa ketesen
Na makapemagenesa

A bunch of bawing plants
May grow far apart
But they are one when being pulled

SOWA-SOWA-I - DRAMA
Ang Sowa-sowa-I ay mahahati sa lima: (a)Kamboyka, (b)Kaganat sa darangen, (c)Diabro, Onta, and Kokok (d)Sagayan  (e)Sadoratan (Madale, 1942).

KAMBOYOKA
Ang bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Ang tema ay umiikot sa uri ng kapistahan na piangdidiwang. Ito ay maaring bahagi ng epiko. Ito ay inaawit ng onor. Ang tawag sa sesyon na ito ay kambayoka (Madale, 1942).
Ito ay maaring kantahin ng dalawa o higit pa na nakaupo sa magkabila. Ito ay nagsisimula ng isang panimulang talumpati ng tagapagbunsod at ng mga putok ng baril. Ang pangatlong tao ay magsisilbing tagapaghatol kung sino sa dalawa ang may pinakamaganda at may pinakamatalinghagang paglalarawan sa okasyon na iyon (Madale, 1942). 
Ito ay isang halimbawa ng isang bayok na may tunog ng Darangen na tumatalakay sa isang bahagi ng epikong, “Kamplomna” (Madale, 1942).

Oh, for the love
Someone of nobility has come.
To propose for marriage
He, who can not be ignored
Because he is of royal blood.

Lomna, dear Lomna why did you come
He who is flirtatious, must be entertained?
Playing around is his forte.

I see the waves in the sea
That dash to the shores of all kingdoms
I see the sun  that shines all over
What made you come?

The bird, Sampiri Kagandongan is right
To love prince Bantugen in your behalf
One will regret;

Loving him is just adoring a pale green color. 
The color that fades easily
As few drops of rain fall.

Dear Lomna, if you really mean to live
In Dalinaian Kaparan, be serious
Then we will put up flares in Gandamato Damedag
We will shelter you with  an umbrella of yellow
That fades  as rain fall
Dear Lomna, why did you come?

KAGANAT SA DARANGEN
Ang Kaganat sa Darangen ay isang interpretatibong sayaw at kanta. Inilalarawan ng tagapagtanghal na subukan gayahin si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ng kasal para sa kanyang ama (Madale, 1942). 
Ang tagapagtanghal ay kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot na katawan. Ito ay dula na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna  sa Gindolongan. Maraming pagwawagayway ng pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa dulang ito (Madale, 1942).

DIABRO, KOKOK, AT ONTA
Ang daibro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba ipang magkatulad na pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sa kapistahan, tatakbo siya kukunin  ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na maari lamang niya kunin balik ang kanyang gamit kung bibigyan niya ang diabro ng pera (Madale, 1942).
Ang koko naman ay  isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Nakasuot siya ng kalo. Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae. Kasama ang diabro, tatakbo sila, sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale, 1942).
Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upang makabuo ng isang istraktura na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ng kamelyo (Madale, 1942).
Kinagawian na ang onta ay linilibot ang buong baryo  tuwing kasal at binubukas ang bunganga. Ito ay kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan na lagyan ito ng laman. Ito ay nagsisilbing mga regalo  ng pamilya ng babaeng kinakasal (Madale, 1942).

SAGAYAN
Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng kabaynihan ni Bantugen habang  ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban-Ikadaraanen (Madale, 1942).

SADORATAN
Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe, siya ay lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan (Madale, 1942). 
Ganito ang paglarawan ng kanyang paglakad:
“…Kisiod bon a nglai na arega sakampo, kanatap palad a-i  na pasa-i saka inged.”

“…Swaying her hands as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth a place.

Ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datu at sultan. Ang tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad (Madale, 1942).

LIMPANGAN AGO ANTOKA -  Puzzles at Riddles
Ang  limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka (riddles) ay para sa mga bata (Madale, 1942).
Ang halimabawa ng limpangan ay ang kuwento ng Unggoy at ng Puno
Ang mga limpangan ay binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao. Ang bata na na nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino (Madale, 1942).
Halimbawa ng limapangan  : 
Ladia sa kalaan
A di  ketangalan sa ig.

A cup from the forest
Which can not hold  water
Sagot:  Bird’s nest
SAKUBA- Rhymes
Ito ay kasiya-siyang pakinggan  na may dalawang ibig kahulugan.
Ino ako den a-i                                                          Why am I 
Mala ako den a-i                                                        A grown up
Pekelilid ako den                                                       rolling?
Kapag isinulat at  baybayin sa ibang paraan. Ganito ang kahulugan nito:
Ino a koden den a-i                                                          Why is this 
Mala a koden den a-i                                                        big pot
Pekelilid a koden                                                              rolling?

PANITIKANG PAMBATA
Ang panitikang pambata ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa Pangangaso (b) pangingisda, (c) lalabay,(d) kantang may rima (rhyme song) (Madale, 1942).

Kanta tungkol sa Pangangaso
Naniniwala ang mga bata na kapag maglagay sila ng bitag at kapag sila ay kumanta, mahuhuli nila ang ibon.  Ang isang uri ng ibon na mabibihag nila sa pamamagitan ng kantan ay ang dao’lan. 
Matapos niyang ibitag ito, aawit siya.

Kanta tungkol sa Pangingisda
Halimbawa  :
Seda ka seda ka
O ba ka panonotolan
Magpeka baka ‘ka
Mabibid a lig ka.

Fish, fish
Do not tell your story
Or your jaw will break
And you neck twisted.

Pinaniniwalaan kapag kumanta sila ng kantang ito, marami silang mahuhuling isda.

Bung-bong – Lalabay
Kinakanta ito ng mga nakakatandang kapatid na babae sa kapag pinapatigil ang iyak ng sanggol at kapag pinaputolog ang sanggol kapag umaalis sa bahay ang ina (Madale, 1942).

Bon, bong ai bong bongan                  Sleep, sleep, sleep          
Pakatorog ka wata                       Sleep dear little one
Gomirao si ‘na aka                      Mother might say
Ba ko seka dianeg     That I punish
Go ka ri pimbongetan And reprimanded you.;

Kantang May Rima (rhyme)
Karamihan ng mga bahay ay  itinatayo malapit sa lawa. Dahil ditto, kinahiligan ng mga bata maglaro at lumangoy sa tubig. Matapos maglaro, lulundag sila  mula sa banto at kakanta sila (Madale, 1942).
Halimbawa:
Talepi, talepi             Beat, beat
Maona ko mamara    I will dry ahead
Di so mga ped ko  Of my companions.

Katutubong Panitikan na Pang-Islam
DEKIR- Dirge Song
Ang Dekir (dekr sa salitang Arabo) ay ibig sabihin sambahin ang Panginoon. Ang isang berso mula sa Koran o ang buong Koran ay itinuturing dekir.  Sa mga Maranao, ang ibig sabihin ng dekir ay isang kanta na inaawit sa huling gabi ng virgil.  Kiakailangan dalawang tao ang aawit ng dekir. Ito ay mayroon mataas na tono. Nang maabot ng mangaawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa pagkanta at ipagpapatuloy ng isa pang mangaawit (Madale, 1942).
Halimbawa:
So Bangkit sa Donia-  The End of the World
Peace be unto you
Oh, how true
While on earth living and strong
One must perform his religious obligations
For when the earth will crumble into pieces
There  will be no places one can stray;
Big waves and storms one can not stand
What a disaster for mankind
Allah the Greatest!

QUIZA- Religious Story 
Ang mga quiza ay mga relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa mga nanampalataya at di nanampalataya.  Ang isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Ibrahim nang isakripisyo niya ang kanyang sariling anak (Madale, 1942).

KANDIDIAGAO- Crying Over the Dead
Ito ay kakaibang paraan ng pagiyak para sa namatay. Habang umiiyak para sa namatay, ginagawa niya ito sa magandang tono. Ito ay katulad ng dekir. Iba ang pamamaraan ng Kandidiago ng lalaki sa babae. Ang tawag sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay kakemama (Madale, 1942). 
Ang unang halimbawa ay pagiyak ng babae para sa kanyang namatay na anak:

Aidao ikaritan ko, bolawan aken
Ino ko ngka pagawa-i, ikaritan ko
Aidao Tuhan ko, ino ngaka raken kowa-a a wata aken a-i
Ikaritan ko a bolawan aken
Aidao tuhan ko na o ba ba den mapemasa
Na pamasa-an ko; ay Tuhan ko
Ngkaia wata aken, bolawan aken.

My dear child,  my beloved 
Why did you leave me, my child
Dear God, why did you take away my child
My child, my beloved
Dear God, if I can only buy his soul
I will buy it, dear God
My child, my beloved.

Ang sunod na hlaimbawa ay Kandidiago ng lalaki.  Sa pagpasok niya sa silid na mayroong bangkay, hawak niya ng kampilan sa kanyang kanan na kamay  at sa kanyang kanang paa, stump the floor nang buong lakas. Papahirin niya ang kanyang mga luha sa kanyang kaliwang kamay  at sisigaw (Madale, 1942):

Aidao ama ko, ino kami ngaka ganati a mga wata ‘ka
Da kami ngka kanggona-i
Seka i katohanan ami sa donia
Opama ka ba den miaaniaia so niawa ngaka,
Sa ba den aden a kesenditan non
Na di ami den pakatorogan.
Opaka ka ba den mapemasa so niawa ngka a tamok
Na sekami a mga wata ka na bapia mi miapesa a lawas a mi 
Na di ami panganogonan
Asar a pekeili ami seka a mga wata aka.

Dear father, why did you leave us all
We have not serve you long
You, our God on earth
If only somebody mudered you
Whom we can take revenge of your death
We will not sleep unless we have revenge;
Or if we can only buy your soul with property
We, your children sell ourselves
Ou body we will treasure so much 
If only to see you alive.

KHUTBA-Sermons
Ito ay mga passsages mula sa Koran na para sa mga nanampalatay at para rin sa di nanampalataya. Ito ay isinasagawa ng Iman (pari) tuwing kapistanhan tulad ng Ed-el Fitr, Mauleed-en-Nabi at sa mga dasal tuwing Biyernes(Salatul Juma-at)  (Madale, 1942).
Kadalasan ang tema ng khutba ay naayong sa okasyon. Halimbawa na lamang kung sa Biyernes, ang tema ay tungkola kahalagahan ang pagdarasal (Madale, 1942).

KORANIC  EXEGESIS
Ito ay mahalaga sa muslom sa kanilang paginterpreta ng scriptures. Ito ay di lamang para sa Muslim, para rin ito sa mga di Muslim (Madale, 1942).

EXPLICATORY STATEMENTS TUNGKOL SA ISLAM
Ito ay maaring bahagi ng ng mahabang khutba o interpretasyon ng Koran.
Ito ay para sa Muslim at di Muslim (Madale, 1942).

DUA’A
Ito ay binibigkas pagkatapos ng salat (dasal) at maari rin pagkatapos ng kandori (thanksgiving) (Madale, 1942).
Halimbawa:
Oh, Allah! The Lord of this all
And of all the prayers to be offered,
Bestow on Mohammed the means
The Greatness and elevate him in
The most exalted place,
Which thee least promised
Verily thou never breakest a promise.

MGA RELIHIYOSONG  KANTA
Ang mga ito ay nagging sikat nang dumating ang mga misyonaryong Arabo mula
Egypt sa Pilipinas upang magturo sa Madarasa na paaralan (Madale, 1942).
Halimbawa  :
Inao Tuhan ani  Dear God
A kibogi an ko podi  To whom praise is due
Miaden ko donia Creator of the world
Ago langon a kaaden And all living things
Rakmati kami ngka Give us your blessings
Ago rapeg a reski And luck
Na go so kambowai ami Long life, too
Na go ami pekilalan So we can continue
Nem rokon a iman The six obligations
Go rokon a islam And the pillars of Islam
An kami makaogop So that we can help
A memolia ko Nabi Offer our thanks to the Prophet
Makasapaat sa tao And serve our people
A pepegislam And not forget
A di ami kalipatan 
So di i kambarorantang Our obligations
Kipelalanen ami and proclaim with sincerity
So Lailahailalah God is Greatest

IBA PANG KLASIPIKASYON
Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng pananalita, ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing (metaphor) (Madale, 1942).
Halaw mula sa Radia Indarapatra:
  1.  a. The datu caused the gong to be sounded 
And his people were assembled like the
Spreading ashes and the returning ants.

  1.  b. During the time of Sultan Nabi nobody had
Excelled his melodious voice; whenever he
Chants, the wind blowing, the falling leaves,
And the running water stop to listen to him.

  1.  c. Hey, golden bird of mine, bring back my child
The fruit of my heart (liver), the seed of
My eyes, so I can caress him even for a little 
While (Madale, 1942).

PANITIKAN NG TAUSUG

  Ang panitikan ng Tausug ay binubuo ng tula at prosa, naratibo at di naratibo.  Ang mga nilalaman ng mga ito ay maaring mapabilang isa sa dalawang tradisyon: 
  1. 1. Katutubo(folk)
  2. 2. Pang-islam  na nakabatay sa Quran at mgat Hadith (mga kasabihan) and Sunna (tradisyon at kaugalian) ng propetang Muhammad.
Katutubong naratibo ay binubuo ng  tigum-tigum o tukud-tukud (riddles), masaalaa (proverbs), daman (poetic dialogue or advice), pituwa (maxims), malikata (word inversions), tilik (love spells), and tarasul (poems) (Tuban 1977:101).
Tigum-tigum/tukud-tukud (riddles)
Ang mga tigum-tigum ay maaring tinatanong sa di pormal na kuwentuhan o ikinakanta sa mga pagdiriwang. Anumang okasyon , ang pagsasagot sa mga tigum-tigum ay kusang hinuhulaan ng mga panauhin . Sa porma, ito ay  maaring  quatrain (kapag kinakanta), o couplet, o prosa. Ang karaniwang mga paksa nito ay tungkol sa halama, hayop, kasangkapan , klima, topograpiya, kalangitan, bahagi ng katawan, pagkain, mga laro, at mga relihiyosong kagawian (Tuban 1977:101, 108, 111-112).

Ang  bugtong sa lipunan ng Tausug ay nagsisilbing panlibangan lalo na tuwing kasal at sa buwan ng Ramadan. Ito ay isang pagtutunggali ng katalinuhan. Ito ay nagbibigay aral sa mga bata tungkol sa kalikasan at sa iba pang bagay na pumapalibot sa kanila. Narito ang mga halimbawa (Tuban 1977:121-122):
Piyasud, Piyasling 
Piyasausugaring
Pasura paslinga
Pasa usugaringa. (Makina pagtatahi)

It was entered inside and taken outside
It was zigzagged
Let it enter, take it out 
Let it zigzag. ( Sewing Machine)

Pay ku hangka uhayuhay
Nalatag in laum bay (Palitaan)

My grain of Palay is like a little leaf
But it was able to fill the whole house (Lamplight)

Day kappa bud datag in labayan ( Laud)

You climb a mountain but its path is plain. (sea)


Masaalaa (proverbs/ kasabihan)
Tulad  ng ibang pangkat etniko, ang mga masaalaa (proverbs), ito ay nagpapakita ng pandaigdigang pananaw sa buhat at kadalasan maririnig sa mga pagdiriwang, sa kasiyahan, kalungkutan, o pagkadismaya. Ang mga ito ay mayroon gamit sa edukasyon, pinapangara; ng mga nakakabata sa lipunan ng Tausug (Tuban 1977:140).
Karamihan sa mga kasanihan sa Tausug ay nagpapakita ng dominanteng etniong katangian. 

Halimbawa:

Gam muti in bukug,
ayaw in tikud-tikud.

It is better to die
rather than run away from trouble.

 In isug ha way akkal' way guna'.

Courage without discretion is useless.

In tau nagbubuluk bihasa mahumu marayaw in
parasahan niya.

A person who works hard often has a comfortable life.

In halli' subay wajib
mangadjang ha di'
patumu' in ulan.

One must always be
prepared to have a roof
ready before the rain falls.

Ang paniniwala at pagtitiwala sa Panginoon ay enduring sa mga kasabihan sa Tausug:

*Tuhan in paunahun,
ha unu-unu hinangun,
minsan kaw malaung,
maluhay kaw maapun.

God must be first
before you do anything else,
even if you make a mistake,
you will be easily forgiven.
Paminsan ang mga kasabihan sa Tausug ay may unibersal  na appeal (Tuban 1977:144):

In manussiya magparuparu,
sagawa in Tuhan in magbaya.

Man plans
but God decides.

*Kitbita in pais mu;
bang masakit kaymu,
masakit da isab ha kaibanan mu.

Pinch your own skin;
if it is painful to you,
it is also painful when done to your fellows.

Daman (patulang diyalogo/advice)
Ang mga daman ay patulang diyalogo o payo na ginagamit sa panliligaw, at sa mga ritwal sa kasa. Ang wikang gamit ay luma kaya mahirap ito maintindihan. Sa pamamagitan ng daman, kaya ng isang manliligaw iphahayag ang kanyang nararamdaman sa isang magalang at matalinghagang  paraanpresent (Rixhon 1974a:41-44).
Ang sumusunod ay isang daman na ginagamit sa panliligaw kapag natuklasan ng ama ng isang dalaga ang isang manliligaw na naghihintay sa kanya malapit sa kanilang bahay. Sasabihin niya (Rixhon 1974a:41-44):

*Unu bagun gikus,
unu lubid us' usan?

What [kind of] rope are [you] twining,
what [kind of] rope are [you] coiling?
Ang sagot ng binata:
Mana'ta lupu
Kimita' pagtanuman
Bang awn na kantanaman
duun na magjambangan.

[I'm] surveying the field
In search of a place to plant
If [I] can find a pleasant place
There [I'll] make my garden.
Kapag maselan ang paksa sa paguusap, kapag may sekswal na konotasyon,  ang daman ay kadalasan ginagamit upang di makaopenda. (Rixhon 1974a:45-46)
Halimbawa:

In bawgan' pana' mu
Yan da ka kaymu?
Bang kaw biya' siyumu
Bihun ta kaymu

Your arrow container
Is it still with you?
If you are tired of using it
I'll buy it from you.

Maaring ang maging sagot ay:

Mayta' mu subay andagan?
Bihun paandigan
Bang kaw biya' sukuran
Kalu mu mabawgan.

Why do you have to ask for the price?
And buy it insinuatingly?
If you are lucky
You might have the bow for free.

Tausug pituwa (maxims or advice)
 Ito ay tulad rin sa mga kasabihan  (Rixhon 1974a:45)

Halimbawa:
Suppak bata malangug, mahumu' kasakitan.

The retribution for a naughty child is pain.

Dunya ini pinjaman
Hapitan panayaman
Ayaw maghamanhaman
Mahuli kananaman

The world goes on and on
a stop-over for games
do not waste time
for at the end comes repentance

Malikata (word inversions) 
Malikata (word inversions) ay mga salitang mayroong tinatagong biro o mga nararamdaman para sa iba. Ito ay mga pangungusap na mayroong pagkakabaliktad ng mga salita na maaring  mabasa sa isang kodigo.
 Halimbawa: 

Kaina bang in anu matinab init makatina' kay manubu'
bahal panadu?

 Tinatagong Mensahe: Mayta' bang tau mabuta di' makakita'?

Why can't blind men see?

Ha' yangad maka-iyul-iyul sinanniyu' binhi' bang
aniya' sinaha' aniyu ni pagkawakawalan, aniyu' higan,
aniyu janni.

Tinatagong : Makaluuyluuy biya' kattu' ini bang way
usahd ta, way gadgi, way pangadji'.

It is a pity for people like us not to have a job nor
to earn a salary, nor to have an education.

Tarasul (poems)
Ito ay kawili-wila at mayroong maiituro. Kahit sila ay pasalitang ipinapasa sa tradisyon, nakasulat ang mga ito. Ang mga paksa ay iba’t iba- kalikasan, paglulutog , pag-iba at marami pang iba (Hassan et al l974a:116, 118, 123, 126):
Halimbawa: 

In ulan iban suga
Kagunahan ha dunya
U! Apu' Banuwa
In jambangan tulunga.

The rain and sun
Are essential on earth,

Oh, Apu' Banuwa ["grandfather chief"
or angel Michael]
Help the garden.

Manggis iban buwahan
Kasusuban sin katan;
In marang iban duyan
Bungangkahuy manaman.

The mangosteen and the lanzones
Are the delight of everybody;
The marang and the durian
Fruits are tasty.


Tarasul ini iban daman
Ganti' pamintangan
Ha pasal ina' subay kalasahan
Di ha dunya ganti' patuhanan.

This tarasul and daman
Serves as a lesson
Concerning the obligation to love one's mother
Since she is God's representative on earth.


Mabugtang agun in baran ku
Pasal sin raybal ku.
Hangkan no aku di' no magkadtu
Sabab landu' susa in atay ku.

My whole being seems paralyzed
[Thinking] of my rival.
The reason I no longer pay [her] a visit
Is that my heart is grieving much

Tilik (love spells):
Ang mga tilik (love spells) ay pangunahing ginagamit ng mga lalaking Tausug upang makuha ang puso ng babae ngunit mayroon pa ito ibang gamit: upang gawin ang kanyang sarili kaakit-akit , upang mapagaan ang galit, upang mapahina. Ang mga tilik ay itinuturing banal at di dapat isawalat. Ang halimbawa sa ibaba ay binibigkas upang ang mga anghel at ang propeta ay magpakita sa panaginip ng babae.
Ang inkantasyon na ito ay sinsasamahan ng tatlong  palo sa gilid ng unan, na ibabaligtad (Tuban 1977:105-106).

Halimbawa:
Kaddim alua hi dua
Magsailu kita alua
Alua mumari kaku'!
Alua ku mattun kaymu,
Bang adlaw aku in ha atay mu
Bang dum aku in ha mata mu
Iya Mikail, iya Sarapil, iya Gibrail, iya Muhammad
Pasabisabilra niyu aku
Katua niyu kaku' hi (ngan sin babae). Pukawa!
Barakat Laillahailqulla
Barakat duwa Muhammad Razurulla.

Our two souls are chained
Let's exchange our souls
Your soul will come to me;
My soul will go to you.
At daytime I'm in your heart,
At night time I'm in your eyes.
O Michael, O Raphael, O Gabriel, O Muhammad
I am inviting you
To go to [name of woman]. Wake her up?
God's blessings!
Blessings of Muhammad

 KATUTUBONG NARATIBO ( FOLK NARRATIVE)

Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
  1.  1. Ang Salsila (ethno-historical narratives)
  • Ang mga salsila ay talaan ng pinaglahian ng  angkan ng dakilang angkan. Sinasalaysay ng mga ito ang mga  dakilang ninuno, mahahalagang pangyayari, ang katapangan ng mga bayani, at ang mga di-pangkaraniwang kakayahan. My bahagi ang salsila na sinasalaysay ng Datu Salip Raja Bassal Pulalun,  ang kanyanh angkan  mula pa kay to Sultan Salahuddin Karamat, 1648-1666 Ganito:
  • Ang anak ni Sultan Karamat , si Sultan Bararuddin I ay mayroong apat na anak- anh kambal Datu Alimuddin Han,  na gwapo; Datu Salikala, na pangit, di-pangkaraniwan at kamukha ang unggoy, si Datu Nasaruddin, Datu Nasaruddin; and Dayangdayang Putli'Agtah Lana. Bararuddin pinamigay ang Salikala kay Datu Maharaja Dindah Bantilan.  Lumaki si Salikala nang malakas at linigtas si Bararuddin sa mga Kastila.
Ikinuwento ni Bantilan ang katatotohanan at nagkaisa ang pamilya. Si Sakila at ang kanyang kambalAlimuddin ay nakatanggap ng salita mula kay Sultan Muhuddin ng Brunei, na humihiling ng tulong ng lakas sandata,request-ing. 
Ang mga kapatid ay kinakailangan sa digmaan. Si Sakila ay nakatamo ng malalim na sugat. Siya at ang kanyng mg tauhan ay sinunog ang kanilang sarili. Isang monumentoang itinayo sa kanla at  ang hilgang Borneo ay binigay sa Tausug bilang gantimpala (Tuban 1977:44-46).
  1.  2. Ang Kaawn Kissa (mga kuwento tungkol sa paglikha), Ang usulan kissa ( mga kuwento sa pinagmulan), 
  • Ang tema ng paglikha ay sinasalaysay sa mga kuwento na ang tawag ay kaawn kissa. Halimbawa ay  ang "Apu' Adam Iban Apu' Hawa" (Grandfather Adam and Grand-mother Eve) na isinaslaysay ang kaunanahang magulang natin at ang pilit na pagalis nila sa paraiso. Napasyahan ng Diyos na lumikha ng tao muli at magpadala ng anghel na pagsamahin ang lupa. Tubig, apoy at hangin ay dinagdag upang makabuo ng buhay. Si Adan ay nag-iisa at binigyan siya ng Diyos ng babae na nabuo sa kanyang tadyang. Apat na anak ang naipanganak- isang putting lalaki, isang putting babae, isang maitim na lalaki, at isang maitim na babae. Sa susunod na henerasyon, nagkaroon ng iba’t ibang lahi bunga ng pagkakasal. Si Eba ay nakain ang ipinagbabawal na prutas at pinatulo ang katas nito sa bunganga ni Adan. Nang dumuni sila sa paraiso, pinaalis sila ng Diyos (Tuban 1977:50-51).
Ang pinagmulan ng mga kostumbre ng Tausug ay isinasalaysa sa usulan kissa. "In Usulan sin Katantan Bungang Kahuy iban Binatang Halal" (The Origin of Edible Fruits and Animals). Sinasalaysay nito kundi paano ang balat ni Adan  ay ginawang puno na pinagmulan ng lahat na nakakain na hayop- narrates karabaw, manok, kambing, kabayo at kalapati. Ang puno, na nagging sagabal sa pagpunta sa langit, ay inutusang paputulin, ngunit ito ay patuloy na tumtubo at nagbubunga ng 99 iba’t ibang prutas  (Tuban 1977:59).
  1.  3. Ang Katakata 
  • Ang mga katakata  ay mga kuwento na di historical at binibigkas para libangan. Mayroong tatlong uri ng katakata: Ang isa ay tulad ng alamat, ang isa ay katutubong kuwento marchen, at ang mga kuwento ng mandaraya.
    1. Halimbawa ng unang uri ay ang  "In Duwa bud" (The Two Mountains). Mayroon isang lalaki at isang babae na namatat sa dalawang bukid. Pinaniniwalan ang dalawang ito ay mahiwaga. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dagat ng Sulu at Zamboanga.
2.  Ang halimbawa ng pangalawang uri ay ang bersyon ng Tausug, "Tom Thumb". Ang tawag nila dito ay "Hangdangaw" (literally, "a span high"). Sa halip ng kanyang sukat, si Hangdangaw ay matakaw at mayroong kakaibang lakas. Iniwan niya ang kanyang magulang. Mayroon siyang nakilalang apat na makapangyarihan na lalaki na nagging kaibigan niya: Mamuk Bunga, Tumibik Batu, Sumagpih Ipil, at   Rumatag Bud. Isang araw , nakahuli si Hangdangaw ng  malaking isda ngunit doon niya natuklasan na kinakailangan niya ng apoy upang makaluto. Pinadala niya ang apat para kumuha ng apoy ngunit sila ay nadakip ng higanteng kumakain ng tao. Iniligtas ni Hangdangaw at nakain rin niya ng isda. Matapos kumain, tinapon ni Hangdangaw ang buto ng isda, na sa kasawing palad ay napunta sa balon ng maharajah. Tinulungan ni Hangdangaw ang maharajah sa pamamaagitan ng pagtapon ng buto ng isda sa pangalawang pagkakataon; ito ay nakaabot sa butas ng tubig ng panglima (headman). Ito ay inulit ng dalawang beses sa balon of ng imam at ng naghaharing prinsipe.  Bilang gantimpala, ang mga anak na babae ng maharajah, panglima, imam, at naghaharing prinsipe ay pinakasal sa apat na kaibigan ni  Hangdangaw. Mula sa balon ng prinsipe, ang buto ng isda ay umabot sa sultan at napangasawa niya ang anak ng sultan (Tuban 1977:63-68).

  • Ang sikat sa mga Tausug na kuwneto ng mandaraya ay  ang kuwento nina Pusong at Abunnawas na napapabilang sa "mautak na lalaki" uri. Sa mga kuwentong ito ,  sina Pusong at Abunnawas  ay laging nakakadaya sa hari. Ang kasikatan ng mga kuwentong ito ay nagpapakita ng di paggalang sa sultan. (Rixhon 1974a:34, 73).

  • Ang isang pang katakata ay tungkol sa mga higante, agassi tulad ng "Baguinda Iban Hinda Apu" (Baguinda and Grand-father Agassi). Mayroon rin mga kuwento na ang gwapong anak ng datu o ang magandang anak ng datu ay ginawang pangit ng mga nilalang. Sila ay maibabalik lamang sa kanilang tunay na anyo kung malampasan nila ang mga pagsubok. "Putli Pugut" and "Manik Buwangsi" ang mga magagandang halimbawa ng ganitong uri ng katakata.

Panitikang Pang-islam
Ang panitikan pang-Islam ay maipapakita sa mga teksto ng Arabo sa pamamagitan ng hadis (commentaries on Islamic law), khutba (Friday sermon), at salat (prayers), (Rixhon 1974a:6-14).

A.       Mga Dasal
  1. 1. Duwaa
Ito ay mga debosyonal na dasal, na dinadagdag sa pang-araw-araw na dasal bukod pa salat. Ito ay dinadasal sa mga  indibidwal, pamilya at sa mga komunidad na karanasan sa saya at sa kahirapan.
 Mga dasal, kung tawagin duwaa sala-mat o dasal pampasalamat ay ginagawa kapag nakaroos sa problema 
    1.  a. Magtaubat
Ito ay isang duwaa ng pagsisi. Ito ay idinadasal kapag naghihingi ng kapatawaran kay Allah sa mga kasalanan.
    1.  b. Duwaa arowa
Ito ay  mga dasal para sa mg a anibersaryo ng kamatayan.

c. Duwaa ulan
 -for the alleviation of drought. Ang mga dasal ay may kasamang jamu (feast).

  1. 2. Jihiker
Ang mga dasal na ito ay pagpbigkas ng 99 pangalan ni Allah na gamit ang tasbih (prayer beads). Pribado itong isinasagawa  bilang bahagi ng salat
Ang pangadji o pagbabasa ng Koran ay isinasagawa ng mga Muslim upang ipakita nag kanilang pagmamahal at pananampalataya kay Allah. Ito  ay maaring gawin sa publiko o sa sariling pagpapahayag ng debosyon kay Allah.

B. Pangadji
Pangadji ay isinasagaw rin kapag may namatay sa pamilya. Pitong gabi ang inilalaan para dito. Magsisimula ito sa unang gabi ng pagkamatay. Ibinibigkas ito mula sa Koran ng mga lalaki at babae pasalit-salit hanggang  buong aklat ay nabasa. Ito ay isinasagawa para sa mabuting paglalakbay ng namatay.
C. Hadith o Hadis
Ito ay mga kasabihan o mga kagawian ng Propeta Muhammad na pinagsama ng mga iskolar ng Islam. Ang mga ito ay isa rin sa batayan ng mga batas ng Islam. Ang mga ito ay nagpapaliwanag rin ng mga mahahalagang punto sa Koran. Ang wikang gamit ay Arabo.
Ang mga hadis ng Tausug ay  nasa anyong tarasul (poem) o kissa (story), at mga komentaryo ito sa mahahalagang punto ng Koran. Ang mga hadis tarasul ay kinakanta sa lugu  at  nagpapakilala sa  isang kabanata mula sa Korantradition. Itinatanghal rin ito bilang relihiyosong obligasyon  ng mga tao (Rixhon 1974a:16-18).
Ang mga hadis kissa ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento tulad ng gabbang (native xylophone) at biyula (native violin). Isang halimbawa, the "Kissa sin Hadis sin Duwa Magtiyaun" (The Story of the Tradition of Marriage), isinasalaysay ang mga tungkulin ng mag-asawa (Rix-hon 1974a:16).

D. Khutba
Ang khutba ay isang sermon o pangaral sa Biyernes na ibinibigay tuwing magdarasal ang kongregasyon at ginagawa ito ng khatib mula sa mimbar (platform). Ito ay tungkol sa mga relihiyosong paksa at ang gamit ito sa pangarawaraw na buhay. Ang lokal na wika ang gingamit sa khutba kahit ang mga berso mula sa Koran ay binanabasa sa wikang Arabo.
PARANG SIBIL

  Ito ay isang naratibong kanta na nagsasalaysay ng kabayanihan ng mga tao na nakikipaglaban sa pamamaraan ng Diyos. Ang mga ito ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento, gabbang. Bilang isang anyong pampanitikan, ang mga ito ay tinuturing epiko na isinasalaysay ang pagpasalang ng mga Muslim sa kamay ng mga Kristiyano sa digmaan. 
Ang "Parang Sabil hi Baddon" ay kuwneto ni Baddon  na naisulto ng datu. Si Baddon  ay  inatake ng mga marangal ng mga kalalakihan nang matapos siyang ideklara bilang suwail ng batas. Isang opersayon militar ang isnigawa laban sa kanya. Ang labanan ay nagsimula sa mga kamaganak nina Baddon at datu (Mercado 1963).
  Ang "Parang Sabil hi Abdulla" ay kuwento ni Putli Isara, isang magandang anak ng panglima. Isang araw sa may ilog, isang Kastilang sandalo gusto siyang galawin. Dahil ditto, sina Putli Isara at Abdulla ay gumawa ngparang sabil ("Parang Sabil" 1973).

SINING SA PAGTATANGHAL
Instrumentong Pangmusikal
 Iba’t ibang musikal na instrumento na pwedeng tugtogin pang-indibidwal o pamparamihan ang gingamit ng mga Tausug.
Ang pinakakila ay ang kabuuan ng kulintangan na mayroong dalawang gandang (drums), tungallan (large gong), duwahan (set of two-paired gongs), at ang the kulintangan (a graduated series of 8 to 11 small gongs).  Di dapat kumulang sa limang tao ang tugtog sa mga ito. Sinasamahan ito ng mga sayaw at sa mga pagdiriwang (Kiefer 1970:2).
  Ang iba pang kilala na instrumento ay ang gabbang (native xylophone) at ang biyula (native violin). Mayroon itong 14 hanggang 24 keys na nahahati sa pitong-notas scales. Ang gabbang ang pinakasikat na musikal na instrumento sa Sulu.  Kasabay nito, ang  bokal na musika tulad ng sindil. Ang tono na nabuo kapag tinutugtog ang gabbang ng mag-isa nga lalaki o babae ay tinatawag na tahtah.
Ang biyula ay tulad rin ng biyula ng pangkanluranin. Karaniwan lalaki ang tumutugtog ng biyula, ng gabbang,kasama ng sindil (Kiefer 1970:2) 
Ang musika ng pauta ay iniuugnay sa kapayapaan ar paglalakbay.Ito ay rinerepresenta ng mga sumusunod na di gaanoong kilalang instrumento: the saunay (reed flute), suling (bamboo flute), and kulaing (jew's harp). Ang  saunay ay binbuo ng payat na kawayan may anim na butas, 1.5 mm sa dayametro, nakatakip ng sampung simud (mouthguard). Ang  suling ay masmalaking berson ng saunay. Ito ay may 60-cm haba ng kawayan na may 2-cm dayametro. Tulad ng saunay, ito ay mayroong anim fingerholes (Kiefer1970:4).
Ang mga musikal na instrumento ng Tausug ay binubuo ng: gabbang; tahtah (gabbang na may kasamang biyula); ang kasi-lasa, lugu, at tahtah ( kanta para sa biyula); the sinug kiadtu-kari (kulintangan); ang tiawag kasi ( musika ng saunay), ang tahtah ( musika ng suling); at ibapa (Kiefer 1970).

KALANGAN/TAUSUG VOCAL MUSIC
Kalangan or Tausug musika na boses ang ginagamit ay puwedeng hatiin ito sa dalawa: naratibo at lirko.  Puwede pa itong hatiin sa lugu at sa paggabang tradisyon. Ang lugu ay mga relihiyosong kanta na walang gamit na instrumento, samantalang ang tradisyon ng paggabang ay sinasabing  "makamundong kanta” na ginagamitan ng gabbang at biyula (Trimillos 1972).
  Ang mga naratibong kanta ay nagsasalaysay ng kuwento at sinasama nito ang  kissa tulad ng parang sabil. Ang mga kantang liriko ay nagpapahayag ng ideya at pakiramdam. Ito ay binubuo ng langan batabata (children's songs), ang baat (occupational songs), ang baat caallaw at ang pangantin (funeral and bridal songs, respectively), ang mga tarasul (sung poems), ang sindil (sung verbal jousts), ang liangkit (from langkit or "chained"), at ang sangbay o kanta na sinsabay sa sayaw dalling-dalling.

Ang mga langan batabata ay lalabay. Mayroon silang malambot at nakakaginhawang himig (Tuban 1977:210).

Halimbawa:
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
Bang bukun sabab ikaw
In maglangan mahukaw.

Go to sleep
Now my son
I am singing to you
If not because of you
I would not even like to sing.


  Ang Baat at ang kalangan ay pareho. Ang baat ang tawag sa pagkanta. Ang baat taallaw ay mayroong malungkot na himig. Ang sumusunod ay paggunita sa patay na kapitan (Rixhon 1974a:49).
Halimbawa:

Tuwan ku Tuwan Nahoda
Bati' bali' na ba kaw
Sin pu'pu' Tahaw
Aturan hawhaw
Tubig pangdan malihaw
Hiubat langang uhaw.

My beloved, beloved Nahuda
Will you please wake up
Will you take a look
At the islet of Tahaw
It seems very far
But its clear water among the screw pines
Can quench one's thirst.
Matapos ng pagtratrabaho ng mga magsasaka at mga mangingisda, kakanta sila:

Manok-manok Iupad kaw
Sulat ini da kaw
Pagdatung mu sumha kaw
Siki limo siyum kaw.
Little bird fly away
Bring this letter
When you arrive make an obeisance
And kiss [her] feet and hands.


Saupama naghangka-bangka
In alun landu' dakula
Seesabroos nagkalalawa'
Hi rayang hadja
In ba laum dila'.

Supposing I'll go boating
The waves are very big
The Seesabroos was lost
Mv darling's name
was always on my tongue.


Ang Baat Pangantin ay kilala rin bilang Langan Pangantin. Ito ay kinakanta para panatagin ang loob ng  babaeng ikakasal at upang pawiin ang lungkot ng kaibigan (Rixhon1974a:51).

Halimbawa:
Unu in hi langan
Sin hidlaw kan jungjungan
Ayir bajanggang
Sukkal banding di kapasangan
Hi ula katumbangan
Bang maisa kulangan
Dayang in pagngnnan

What can I sing
[To ease my] yearning for my beloved
[Her] incomparable presence
cannot be matched
[My] dear idolized lover
When lying in the chamber
Utters the name of his beloved.

Ang sindil (sung verbal jousts) ay napapabilang sa tradisyon ng gabbang at itinatanghal ng  babae at lalakiand  na naglalabanan ng pagkamautak. Ito ay mgy tukso at biro na nasa anyo ng berso. Ang mayroong masmagandang berson ay pinapalakpalan ng mga paunahin (Kiefer 1970: 10).

Nihma:
arri ba dundangun
aha pantun sila sing pindagun
a pantun sing pagpindangun
arri andu arrj ba hampil punungun
ba lugay diq pagdanganun.

Hussin:
nagsablay kaw manipis ba manga
naganggil no ma kaw mga abris
mga naganggil na mga abris
arri bang kaw Nihma magkawa misis
agun ta kaw hikapanguntis.

Nihma [Woman]:
I sing as I am rocking a cradle
With patience,
Until I am exhausted
I have waited a long time
to be called "darling."

Hassin [Man]:
You, wearing a sheer dress,
Resembling a precious stone,
Resembling a precious stone,
Nihma, when you finally call yourself "Mrs"
I may enter you in a beauty contest.

  Ang mga liangkit ay mahahabang piyesa na kinakanta nang mag-isa, kasabay sa tunog ng gabbang at biyula. Ang paksa ng liangkit ay malawak- pagibig, digmaan, kalikasan , at iba pa. Ang Tausug lelling, ay nakuha mula sa Samal, ay mga bahagi ng tradisyon ng liangkit. Kinakanta ito kasabay sa tugtog ng gitara. Nakikiayon rin ito sa mga kasalukuyang kaganapan. Ang isang magandang halimbawa ay ang  lelling na sinasalaysay ang pagpasok ng Moro National Liberation Front forces sa probinsya ng Jolo noong Pebrero1974.
  Ang sining sa pagkanta sa sayaw dalling-dalling dance ay tawag pagsangbay. Ang kanta ay nagdidikta ng galaw na kailangan sundin ng mananayaw.
Ang lugu o sail tradition ay isinasabay sa mga relihiyosong ritwal at ng mga ritwal sa kasal, sa panganganal, paggunting, pagtammat, at sa libing. Ito ay mayroong dahig or jugjug (high vocal ten-sion). Ang  tempo ay mabagal na mayroong mahahabang sustained tono. Kahit ito ay kadalasan ikinakanta ng mga babae, puwede rin ito kantahin ng mga lalake(Trimillos1974)

Halimbawa:
Piyaganak
Malam ismin piyag bata
Ama pilihan mahakuta
Nabiyulla nabi Muhammad
Panghu sa sin kanabihan.

Birth
It was Monday night
A child was born
Of Allah. He is Muhammad
To redeem the sins of man.

MGA SAYAW
PANGALAY
 
Ang pinakakilalang sayaw sa Tausug ay ang pangalay. Ang kanyang pangunahing istilo nito ay pinagmulan ng iba’t ibang sayaw sa Sulu at Tawi-Tawi. Ang  pangalay ay sinasayawan ng babae man o lalaki, mag-isa o may  kasama. Ito ay kadalasan sinasabayan ng kulintang (Amilbangsa1983:14,62).
Ang sayaw ng  pangalay dances ay naiiba sa paggamit ng janggay (metal nail extenders) upang payamanin ang mga galaw ng kamay. Ang mga naiunat na daliri ay matigas at magkahiwalay sa mga hinlalaki.

DALLING-DALLING
  Isa pang sikat na sayaw ay ang dalling—dalling. Gumagamit ng pamaypay at panyo sa sayaw nito. Ang mangaawit sinasamahan ang mananayaw sa pamamagitan ng paglalarawan ng iba’t ibang galaw ng sayaw. Ang tawag sa kantang ito ay sangbay at ang pagkanta ay tawag,. pagsangbay. Ang mga kanta nito ay "Lingisan/kinjung-kinjung," "Dalling-dalling."  Ang pag-unlad ng dalling--dalling ay nagmula sa isangTausug na nagngangalang  na nagging sikat na tagapagtaguyod ng sayawAlbani (Amilbangsa 1983:42).

TAUSUG MARTIAL DANCE
Ang mga sayaw ng martial art ng Tausug martial-art dances ay itinatanghal ng mga lalake at sinasama ang langka-silat at ang langka-kuntaw. 
A. Ang  Langka-Silat ay nagpapasimula ng away at kadalasan itinatanghal ito ng dalawa o tatlong mananayaw.
B. Ang  Langka-Kuntaw  ay isang sayaw ng self-defense,  na maihahantuld sa martial arts ng China, Japan, at Burma (Amilbangsa 1983:32-35).

TAUSUG OCCUPATIONAL DANCE
Ang  occupational dance ng Tausug ay maaring ito ay linggisan, taute, suwa-suwa. Ang linggisan ay nagpapakita ng ibon na lumilipad. Ang taute ay nagpapakita ng mangingisdang sumisid para makahuli ng catfish. Ang  suwa--suwa, ay nagpapakita ng mananayaw ginagaya ang  pag ng mga sumasayaw na punong lemon (Amilbangsa 1983:28). 

LITERATURA NG MAGUINDANAO:
Ang mga bumubuo sa elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech at folk narratives. Ang folk speech ay nahahayag sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) at bayok (tulang liriko), samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong pang-islam at sa katutubong tradisyon. Sa tradisyong pang-Islam kasama ang pagbasa sa Quran, ang tarsila o naratibo ng angkan (genealogical narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mga nakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta; ang quiza o mga relihiyosong kwento. Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul (katutubong kwento), at mga epiko tulad ng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja Madaya.
Para sa Maguindanao, ang mga bugtong ay nakakatulong sa pagsulong at pagkabuo ng pagkakaibigan sa isang grupo. Nagsisilbi itong kasangkapan sa paghahanda sa pagtuturo. Ang istruktura ng isang bugtong sa Maguindanao ay binubuo ng isang larawan o imahe at ng isang paksa. Merong apat na uri ng larawan: komparatibo, deskriptibo, puns o puzzle at naratibo. Ang mga Maguindanao ay nainiwala sa pagkakaisa ng mga iba’t –ibang aspeto ng kapaligiran at ang paniniwalang ito ay nasasalamin sa kadalasang paggamit ng nagsasalungat na imahe at paksa sa mga bugtong. (Notre Dame Journal 1980:17)
Ang pagsasanay ng bugtong ay ginagawa sa isang grupo, kung saan ang isa ay ang riddler. Kung isa man sa grupo ang nagnanais na maging riddler, kailangan ay may nakahanda na siyang bugtong, kung wala pa, siya ay sasailalim sa dtapulung (ridicule), na binibigay di bilang isang kritisismo ngunit bilang part eng tadisyon ng bugtungan. Tinuturing ng mga Maguindanao na di magaling na riddler ang mga nagdadagdag o nagbabawas sa ‘orihinal’ na teksto ng bugtong. Ang bugtungan ay maaring gawin saan mang oras at lugar, basta’t ito’y gagawin bilang grupo.
Ang kalituhan sa sagot ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pagtattanong sa matatanda o ng sinumang nirerespeto sa lugar, partikular ng barangay. Sa ganitong pamamaraan, ang sagot sa bugtong ay nagiging flexible, dumarami at lumalawak ang posibilidad ng mga sagot na nagreresulta sa isang pedagogy.

Halimbawa:
Entuden, niaden
It is here, it is there (wind)
*Bukas rin sa iba pang kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy sa duyan. Ang mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.

May mga paniniwala tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi, para hindi maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang di pagamit ng salitang nipai (ahas) kapag gabi sa bugtungan. 
Ang mga verse ng mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata (children rhymes) o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang patungkol sa pag-ibig).

Halimbawa:
Pupulayog sa papas ka pumagapas apas
Ka tulakin kon ko banog
Na diron pukatalakin
Ka daon kasakriti
Kanogon si kanogon nakanogon ni ladan ko
A pukurasai mamikir a ana palandong a dar
Na di akun ipantao na pusulakan a ig
O matao kandalia.

Flying hard, the swift is
Trying to catch up the hawk
But he cannot equal him
Because he is far too small
Woe, woe unto me 
Worried from thinking of a loved one
And I cannot let my feelings prevail,
Express my love
Because everytime I want to reveal it
Stops it in its way.

Metaporikal ang wika ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais na ipahiwatig ay nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)

Halimbawa:
Salangkunai a meling
A malidu bpagimanen
Ka mulaun sa dibernal
Dun-dun ai lumaging
A paya pagilemuan
Ka mumbus sa hakadulat
Na u saken idumanding
Sa kaludn pun na is
Na matag aku ‘ngka maneg
Di ku mawatang galing
Talking Salangkunai
T’is hard to trust in you, 
For untrue leaves could sprout
Dun-dun fond of chatting
T’is hard believing you
For cheating buds may show
Once I (start to) fondle
From the sea
You would just hear from me
My darling, close to me

Ang Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na tumutugon sa mga kasong tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Ang lahat ay nasasakupan ng batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam. (Darangen 1980:33).
Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon at pinagtibay ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ng relihiyong Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran. Ang wikang ginagamit at Arabic.
Ang tudtul (katutubong kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na may simpleng pangyayari. Dalawang halimbawa nito ay ang “Lagya Kudarat” na tungkol sa pakikipagsapalaran ng dalawang anak ni Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sa kagubatan matapos dumaing si Mampalai sa kawalan ng pwedeng mapangasawa ng kanyang dalawang anak. Ang dalawang anak ay sina Lagya Kudarat at Puteli (prinsesa) Sittie Kumala. Si Puteli Kumala ay tinangay sa kagubatan kung saan nakilala niya ang isang kabayan (isang matandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na ito kasama ng isang prinsipe na nagngangalang Sumedsen sa Alungan. Kahit na magkasama sa bahay ay di naguusap sina Sumedsen at Kumala. Di kalaunan ay umalis si Kumala sa bahay at sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kung saan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di nagtagal ay nagpakasal rin si Sumedsen at Kumala. Samantala si Lagya Kudarat naman ay tinangay sa Kabulawanan, doon ay nakilala niya ang isa pang kabayan na pinatira siya sa kanyang bahay. Isang araw habang nangangaso, nakarinig si Kudarat ng tunog ng mga naglalaro ng sipa. Sinundan niya ang tunog at ng Makita ang mga naglalaro ay nakisali siya. Hindi niya alam kung paano maglaro nito, kaya aksidenteng napunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa. Naghagis ang prinsesa ng isang singsing at panyo patungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang dalawa. Matapos ng kasal ay bumalik sila sa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya nila. Matapos ng isang lingo ay bumalik si Kudarat at kanyang asawa sa Kabulawanan upang manirahan sa biyenan nito. (Notre dame journal 1980:3-6). 
Ang isa pang folk tale ng Maguindanao ay ang “Pat-I-Mata” na tungkol sa dalawang magkapatid na Pat-I-Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa Kabalukan at si Datu sa Pulu naman ay sa Reina Regente. Pat-I-Mata ang kanyang pangalan dahil sa meron siyang apat na mata, na kung saan kapag tulog ang dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa. Kilala siya sa kanyang kalupitan sa mga kababaihan, kung saan ay pakakasalan niya ito kung ito’y maganda, ngunit kapag ito’y pumangit na ay iiwanan na niya. Dahil sa ganitong ugali ni Pat-I-Mata ang mga mamamayanan ng Kaabalukan ay din a matiis ang kanyang pagkamalupit. Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid at humingi ng tulong. Sinubukan ni Datu sa Pulu na bigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit di ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-I-Mata. Gumawa siya ng isang hawla, nang makita ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyang kapatid kung para saan ito at sinabi naman ni Datu sa Pulu na gagamitin ito bilang proteksyon sa paparating na bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-I-Mata, hiningi niya ang hawla at hinayaang gumawa ng bago ang kanyang kapatid. Nang gagamitin na ang hawla at binuksan ito, hinayaan ni Datu sa Pulu pumasok si Pat-I-Mata at pinabayaan itong makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-i-Mata ay isinumpa niyang magkaaway sila ng kanyang kapatid habambuhay. (Notre Dame Journal 1980:7-8).
Ang mga epiko ng Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam. Ang epikong Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan. Isang part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah Indarapatra, na pinaniniwalaang nagmula sa union ng Sultang Nabi at pinsan nito.
Ang Rajah Madaya ay pinaniniwalaang orihinal na literature ng Maguindanao dahil karamihan sa elemento nito-wika, metaphor, gamit sa kwento ay mula sa Maguindanao. Sa kabilang banda, ang iba pang elemento ng epiko ay may kasamang ibang naratibo, isa na rito ang tungkol sa walang anak na si Sultan Ditindegen. Sa kanyang pagkadesperado, nagdasal siya upang magkaroon ng anak, kapalit ang pangakong ibibgay niya ito sa isang dragon. Natupad ang kanyang hiling at kasabay nito ang paglabas ng isang dragon na nagsasabing ito na ang malaking Prinsesa Intan Tihaya. Nang mabalitaan ni Raja Madaya ang tungkol sa mahirap na sitwasyon ng prinsesa, ay dumating ito upang tumulong. (Wein 1984:14).
Ang epiko ng Maguindanao ay binibigkas ng paawit sa paraang melismatiko. Ang mga religious chants ay karaniwang melismatiko rin at gumagamit ng diatonic scale. Mahilig ang mga Maguindanao sa chants, dalawang uri ang ginagamit nila, una ay ang sindil, ito ay ‘coloristic’ ang isa naman ay ang bayok na isa naming syllabic at tetrachordal. Ang mga oyayi ay tetrachordal rin ang anyo. Ang mga kumakanta ng epiko at religious chants ay mga propesyunal na maituturing samantalang ang mga kumakanta ng oyayi at bayok ay maituturing na kabilang lang sa pangkalahatan.

PANITIKAN NG SAMAL
Ang Sama/Samal ay isa sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Ang salitang ‘Sama’ ay maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamit nila ay Siama/ Sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong Sinama.
Ang tradisyunal na literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibong prosa (narrative prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag bilang kata-kata, isang termino na karaniwang tumutukoy sa mga trickster tales na madalas isang pusung ang sentrong karakter. Ang iba pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mga mito, kwento na hayop ang mga bida, numskull tales, kwentong may mahika, at mga novelistic tales. Mayroong kata-kata ang mga Samal dahil ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng pagkain, bituin, pagkabuo ng lupa at iba pa. May mga kwento rin sila patungkol sa mga dragon, anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.
Isang araw, noong unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ng bangka gamit ang isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas at natuklasan nila na ito’y matamis. Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.
Isang maybahay ang gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulang magbaga ang gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay gabi, na maaaring kainin.
Mayroon isang naga (dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ng sampung kalabaw, nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parang  magkakaroon ng bagyo. Kinain nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa kasama ng kanilang isang anak ang natitira. Umakyat sila sa kabundukan upang hilingin sa diyos na bigyang hangganan na ang kalupitan ng dragon. Di pa sila natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutang na ang dragon ng napakataas at ito ang naging bituin sa kalangitan. Sa katapusan ng mundo, ang dragon na ito ay magbabalik upang parusahan ang mga masasama. (Ziegler 1973:117).
Sa mga kwentong pusung palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya. Minsan binigyan Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit kalaunan ay nalaman niyang gawa pala ang cake sa buhok ng asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan at dahil dito at ipinautos na arestuhin si Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya ang mga guwardiya na ang taong hinahanap nila ay may kulay itim na puwit samantalang siya ay may dilaw na puwit. Ang mga guwardiya ay nabigong mahuli si Pusung.
Isa pang paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa Jolo. Katulad ni Pusung, palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa maituturing na tagumpay ni Abunnawas ay ang pagpapakasal nito sa isa sa mga babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan. 
Isang halimbawa ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang babae na naghiram ng pera sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong ibang lugar upang hanapin ang swerte. Nanghiram siya sa pitong opisyal ng sultanato, ang: pang-lima, maharajah, urungkaya, datu, bilal, hatib, at imam. Sa bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, at kung hindi man niya ito magawa, ang kanyang sarili ang kanyang ipambabayad. Dumating ang takdang panahon ng pagbabayad ngunit hindi niya kayang magbayad, kaya nangako siyang makipagkasal sa bawat isa. Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong aparador na ginto ang labas. Isang gabi, dumating ang pitong lalaki sa pagitan ng tig-iisang oras. Tuwing may kakatok ay nagtatago ang mga lalaki sa may aparador sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae ang dumating. Matapos ang tatlong araw ay nabalita na may nawawalang pitong  opisyal. Lumapit ngayon ang babae sa sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha ang gantimpala para sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabi niyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.
Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo na matataguan sa Sulu. Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssa mga banal at sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.

PANITIKAN NG MGA TIRURAY
Ang salitang Tiruray ay mula sa salitang ‘tiru’  na nangangahulugang ‘place of origin, birth o residence’ at ang ‘ray’ naman ay nangangahulugang ‘upper part of a stream or river’ . tinatawag ng mga Tiruray ang kanilang mga sarili na etew teduray (Tiruray People).
Ang panitikan ng Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ay ang mga hayop.
Ang mito ng paglikha ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kung saan hinubog niya ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sa gitna ng himpapawid at lupa, kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang may walong layers, ang pinakamataas ay pinamumunuan ni Tulus, na kapatid ni Minaden. Kilala rin sa iba pang pangalan si Tulus tulad ng Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang tao at pinalaki ito, ngunit sa loob ng matagal na panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sa himpapawid si Meketefu at nakita na may problema sa pagkakalikha sa dalawa kaya napagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di nagtagal ay taong nalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming pagkain para mabuhay kaya namatay rin ito kalaunan.  Wala pang lupa noon kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyan sila ng lupa, na siya rin namang binigay. Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng iba’t-ibang klase ng halaman at gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).
Ang mga Tiruray ay may mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nila Lagey Lengkuwos, na tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalita na siya kahit na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay ng bagong buhay sa mundo na dating ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni Minaden ay puro lupa at bato lamang. Ayon sa talaan ni Sigayan, ang mga babaeng epic chanters ay nagkukwento ng tungkol kay Lagey Lengkuwos, Metiyatil Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mga naunang taong namuhay sa mundo. Hindi sila mga diyos ngunit sila ay nererespeto at sinusunod ng mga sinaunang Tiruray. Nakatira na sila ngayon sa mundo ng mga espiritu.
Ang alamat ng “Kung paano nalikha ang mais at bigas” ay nagpapaliwananag na ang mga sinaunang Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen ay kumakain lamang ng kamote at cassava. Isang araw, isang matandang lalaki ang bumisita sa kanila at nagbigay kaalaman hinggil sa mas mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuha lamang sa nakakatakot na kastilyo ng isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ng matanda, nagpadala si Kenogolagey ng dalawang kaibigan, isang pusa at aso para kunin ang nasabing pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at nakita ang pagkain sa may paanan ng higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng mga butil ng bigas at ang aso naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy sila pabalik sa pampang ngunit nahulog ng aso ang mais at napunta ito sa kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan ng pusa ang aso sapagkat may dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang ay nilapag niya muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais. Sinamantala ito ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar at ipinagmalaking siya ang nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa kanilang lugar at sinabi ang buong katotohanan. Nagalit ang aso at sinugod ang pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit na nagkaroon na ng bigas at mais sa kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng aso’t pusa.
Katulad ng Pilandok (mouse deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray ay mapanlinlang at makulit. Sa kwentong “Ang Pagong at ang mga unggoy”, ang pagong ay nakipagkita sa isang manok na ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagod upang makahanap ng pagkain dahil nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang pagong sa manok at sinabihan itong namumula ang mata niya, isang palatandaan ng matinding sakit na maaari niyang ikamatay. Naniwala ang manok sa sapantaha ng pagong at ito’y ikinatakot niya. Kumuha siya ng dagta ng tegef at inilagay niya ito sa kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, at nataranta ang manok kaya siya’y nahulog kung saan ang ulo niya’y pumasok sa isang butas na tinitirahan naman ng isang talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa mata ng manok na naging dahilan upang ito’y maging malaya muli at nagdesisyon itong maghiganti sa pagong. Samantala, ang pagong ay naglalaro sa may halamanan ng rattan at inaya rin ang unggoy na maglaro. Di nakayanan ng halaman ang bigat ng unggoy at ito’y nahulog sa bangin at namatay. Kinuha agad ng pagong ang utak, tenga at puso ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sa pagtatanim ng palay at tinanong ang pagong para sa isang nganga.  Nakilala ni Dakel-ubal ang labi ng unggoy at tinawag ang iba pa nitong kasamahan at sinentensiyahan ang pagong na mamatay sa paglunod dito. Sa tubig, pinagtawanan lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit ang mga unggoy at nakiusap sa isang nilalang na nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ng tubig papunta sa tiyan nito. Ginawa naman ito ni Ino-Trigo at nakita nila ang pagong na nagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok ang pagong, tinuka niya ito sa mata ngunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo, nabutas ang tiyan nito at lumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng pagkalunod ng manok at ng mga unggoy.
Maraming uri ng kanta ang mga Tiruray na nababagay sa iba’t-ibang okasyon. Ang balikata ay isang awit na may improvised text na kinakanta sa tradisyunal na melodiya na ginagamit rin sa mga debate at pakikipag-usap. Ang balikata bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugan naman ay isang awit ng pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng ligawan, na inihahambing rin sa mga bulaklak. Minsan, inilalarawan rin nito ang uri ng pamumuhay meron ang mga Tiruray. Ang binuaya ay isang kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan. Ang siasid ay isang dasal na inaawit na inaalala ang mga biyayang binigay ni Lagey Lengkuwos at ng espiritu ng kalikasan na sina Serong at Remoger. Ang foto moto ay isang kanta na wari’y nanunukso na siyang itinatanghal tuwing may kasal. Ang meka meka ay awit ng katapatan na kinakanta ng babae sa kanyang asawa.

PANITIKAN NG MGA YAKAN:
Ang mga Yakan ay ang pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ng mga Espanyol na Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff 1978:149; Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikang Bahasa Yakan, isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam 1983:7-8). Sinusulat ito sa Malayan Arabic Script na may adaptasyon sa tunog na hindi maririnig sa Arabic (Sherfan 1976).
Ang pinaka-prominenteng halimbawa ng literature ng Yakan ay mga alamat.  Dalawang magkaugnay na alamat ay ang kwento ng paglikha ng mundo at tao. Una ay kadiliman lamang ang mayroon at nilikha ng Diyos ang liwanag, sunod ay ang tubig at mga puno na nagbunga ng 7.7 milyon na prutas. Sunod na nilikha ng Diyos ay ang mga ibon na mangamatay matapos kainin ang huling prutas. Pagkatapos ng pagkamatay ng ibon, nilikha ng Diyos ang 70 Adan na may 70 taon na buhay. Ang huling Adan ang ating ninuno. 
Nilikha rin ng Diyos ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok at napagtantong wala pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isang espiritu at sinabihan siyang bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na iyon, gumuhit ng anyo ng isang babae at sinabi kay Adan na ito ang kanyang magiging asawa. Matapos ay inatasan si Anghel Gabriel na patulugin si Adan at kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sa kalaunan ay naging si Sitti Hawa ( Eve). Inutusan ng Diyos si Adan na bigyan ng regalo ang kanyang asawa. Ang regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha Illahah na nangangahulugang “Walang ibang Diyos kundi si Allah”. Nagkaroon sila ng apat na anak, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay sina Kain at Habil. Mula sa kanila umusbong ang dami ng tao.
Ang isa pang kwento ay tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ng isang delubyo at sa kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang tao sa Basilan. Sa silangan ay may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa punso ay lumabas ang unang babae sa Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at nagkaroon sila ng apat na anak. Ang panganay na babae ay si Kumalang, na ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawag na Bohe Kumalang na nasa kanluran. Sa hilaga nanirahan ang kanilang anak na lalaki na si Gubawan, na hango rin sa pangalan ng ilog. Sa timog-silangang parte ng isla nanirahan ang isa pa nilang anak na lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan ng ilog. Ang huling anak na lalaki na si Basilan ay ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may silangan.
Isang araw, isang negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating at umibig kay Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sa kondisyon na makakapagdala si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawa naman niya, kaya ang Basilan ay sagana sa mga prutas na ito (Sherfan 1976).
Ang pinakapopular na katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ay ang kwento sa suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro, bibe at ibon ay nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang batangan. Isang unggoy ang kumain sa tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay tumaob. Nagalit ang mga ibon at tinanggihang tulungan makapunta ng pampang ang mga unggoy, ngunit nakumbinsi ng mga unggoy ang isang paru-paro. Nang makaahon sa pampang ang unggoy ay tinapakan niya ang paru-paro hanggang sa mamatay ito. Nagalit ang iba pang mga paru-paro at kalaunan ay nagkaroon ng digmaan. Nangamba ang mga paru-paro dahil sa sila’y maliliit lamang ngunit nakaisip ang pinuno ng mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga unggoy at lumipad kaagad kaya naman ang mga unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy maliban na lamang sa isang buntis kaya naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy (Eugenio 1989:42-43).


1 comment: