Showing posts with label philippine legend. Show all posts
Showing posts with label philippine legend. Show all posts

Friday, December 7, 2012

Alamat ng Matsing

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.

"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.

"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.

"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.

Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.

"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

Saturday, November 10, 2012

Ang Pinagmulan ng Tagalog


ni Antonio, Emilio Martinez

          Ayon sa sali’t-salin sabi, ang pagkakatawag ng TAGALOG sa mga mamamayang nasa pinakpuso ng GITNANG LUSON, ay likha ng isang pagkakataon lamang.
          Umano nang panahon ng mga Kastila, ay may isang nayong nasa may hanggahan ng lalawigan Bulakan at lalawigang Nuweba Esiha. Ang nayon ay napabantog hindi dahil sa may maliit na batis ito, na dinadaluyan ng malinaw na tubig; at may matatabang lupaing natatamnan ng maraming namumungang punungkahoy; kundi dahil sa pagsilang doon ng isang napakagandang dalaga, na ang pangalan at Talya.
          Dahil sa pambihirang kagandahan ni Talya. Ang nayong iyon ay pinagdarayo ng mga binatang nagbubuhat pa sa iba’t-ibang pook at bayan. Sa nayong iyon si Talya lamang ang may pinakamaraming binata na pawing namimintuho at nakikipagsapalaran sa pag-ibig ng dalaga.
          Bagama’t si Talya ay walang sinumang sinasagutan sa mga binatang nanunuyo sa kanya, magiliw naman niyang pinakikiharapan ang lahat. Sapagka’t wala siyang malamang piliin, ay gumawa siya ng paraan upang minsanang matipon sa kanilang tahanan ang mga binatang iyon at saka niya sinasabi ang ganito.
-      Sino man sa inyo ang unang makapagdala sa aking harap ng isang
malaki, malakas at buhay na sawa, ay siya kong iibigin at pakakasalan.
          Halos lahat ng kaharap niyang binata ay pawing natigilan at hindi nakapagsalita. Nguni’t anu-ano ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang yaon.
-      Ako ang nangangako sa iyo Talya... – matatag na sagot ng binatang si
ILOG, na kilala nilang lahat sa katapangan.
          Sa pagkakatigagal ng mga kaharap na binata ay umalis sa ilog noon din, nagbulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tinitiyak nilang hindi na makababalik si ilog.
          May ilang oras na nakararaan ay hindi nga nagbabalik si Ilog. Nangangamba naman si Talya at ikalulungkot niyang mapahamak ang binatang matapang at masunurin.
          Nguni’t walang anu-ano ay dumating si Ilog, na hawak ang leeg at sa buntot ang isang malaking sawa. Namangha ang mga binatang dinatnan at pati naman ng mga taong nagdaraan nang makitang hawak-hawak ni Ilog ang napakalaking sawa.
-      Talya! – ang malakas na sigaw ni Ilog, - narito ang sawang
Pinahahanap mo. Ano pa ang ibig mong gawin sa sawang ito upang mapaligaya ka?
-      Tagain mo ang sawang iyan: - ang sigaw ni Talya.
Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkakapigil nito sa buntot; at hinugot sa baywang at hinugot sa baynang nasa baywang niya ang matalim na gulok. Tinaga ang dakong buntot na sawa.
          Siyang pagdaraan noon ng dalawang kasadores na Kastila. Dahil sa nagkakagulo ang mga manonood kay Ilog, ang akala ng mga iyon ay may itinatanghal sa nayong iyon.
-      Ano bang palabas iyan, at ano bang bayan ito – ang tanong  ng
Dalawang Kastila, na napatingin pa kay Talya.
          Nagkataon naming nakita ni Talya, na ang sawa ay ibig bumawa ng huling pagtatanggol sa sarili. Nang maputulan ng buntot ay namilipit ito sa binti ni Ilog, kaya’t sa takot nitong malingkis ang binata napasigaw si Talya: Taga, Ilog!... Taga Ilog- na ang ibig sabihin ng dalaga ay tagain pa uli ni Ilog ang nasabing malaking sawa. At kung patay na naman iyon ay handa na siyang pakasal sa matapang na binata.
          Ang akala naman ng dalawang Kastila, ay sinagot sila ni Talya sa kanilang itinatanong; kaya’t isinaulo pa nila ang mga katagang: Tagailog, Tagailog!
          Hindi na hinintay ng dalawang Kastila na matapos pa ang akala nila’y palabas sa pook na iyon. Nang dumating sila sa kabayanan ay isiniwalat ang kanilang nasaksihan, na naganap sa bayan ng Tagailog, na nang lumaon ay na tinawag na TAGALOG

Alamat ng Dama de Noche


ni Antonio, Emilio Martinez

          Sa buong kapuluan ng Sulu na malapit sa Kamindanawan, ay may isang Sultan na napabantog sa kaniyang kabagsikan at katapangan. Siya ay si Sultan Baranggay na maraming pinasukong kaaway, kaya’t wala nang makapangahas na lumaban sa kanya. Nguni’t kung bantog man siya sa katapangan ay lalo siyang napatanyag sa pagkakaroon ng isang anak na Prinsesa na wala pang kapantay sa kagandahan.
          Ang marikit ma Prinsesa’y kilala sa pangalang Damartuha, na kung tawagin sa kanyang amang Sultan ay sa palayaw na Dama.
          Hindi nakakatakang si Dama ay sambahin ng mga Datu at mga binatang may dugong mahal. Nguni’t sino man sa mga dugong mahal na yaon, ay hindi iniibig ni Prinsesa Dama. Sa ganang Prinsesa, ay hindi siya tumitingin sa kayamanan, kabantugan o kakisigan ng isang binata. Siya ay naniniwala sa kadalisayan isang dakilang pag-ibig.
          Ang lagging libangan ni Prinsesa Dama ay ang mamasyal at mamitas ng mababangong bulaklak sa maluwang na harding nasa mahalamanang bakuran ng palasyo.
          Isang mabait na binatang hardinero ang nag-aalaga naman sa halamanan n Prinsesa. Ang binatang ito na buhat sa maralitang lipi ay si Galamu, na may kilos-maginoo, mapitagan at magiliw kausapin.
          Unti-unting nabuhos ang puso at kalooban ng Prinsesa Damartuha kay Galamu, hanggang sa ang binatang hardinero ay matuto na ring magmahal sa Prinsesa. Lihim silang nag-iibigan hanggang magsumpaang wlang sino mang magtataksil sa kanila.
          Nguni’t ang matamis na pagmamahalang yaon nina Prinsesa Dama at Galamu ay umabot din sa kaalaman ng Sultan. Hindi naatim ni Sultan Baranggay na makaisang palad ng niya ng kaniyang anak na Prinsesa, ang isang hamak na hardinero lamang. Kaya’t nang masubukan ang pagu-uusap ng dalawa, itinaon sa gabi ang tipanan ng magsing-irog, ang pagpapatapon kay Galamu sa malayong kagubatan.
          Nang gabing manaog ang Prinsesa upang makipag-ulayaw kay Gulamu sa halaman, ay hindi nga nakasipot ito ang binatang hardinero. Ang akala ni Prinsesa Dama ay nabalam lamang ang kasintahan, nguni’t nang maraming oras na ang nakalilipas, ay nahinuha niya ang dahilan ng hindi pagsipot ng katipan. Napaiyak siya at ang kaniyang puso’y natigib ng kalungkutan.
-      O, aming Alah! – ang himutok ng Prinsesa habang umaagos ang luha
sa kaniyang mga pisngi, - yayamang ikamamatay ko rin lamang ang pagkawala ng aking minamahal na si Galamu, sa sandaling ito’y gawin mo nap o akong isang halaman! Ibigin mo pong ang bulaklak ko’y maging walang kasimbago kung gabi, upang mapatunayan ko ang kadakilaan ng aking pag-ibig sa kaniya!
          Ang matampang na si Sultan Baranggay na nanunubok pala sa kaniyang anak ay bigla lamang nagtaka ng nakita niyang si Prinsesa Dmartuha’y unti-unting naging halamang nagkaroon agad ng mga bulaklak na namukod ang halimuyak sa ibang mga bulaklak.
-      O, Dama, aking anak! ... Nagyon gabi pinagsisihan ko ang aking
Nagawang pagkakasala sa iyo. Patawarin mo ako, aking anak! – At biglang nawalan ng malay ang Sultan.
          Mula noon ang halamang yaon na kung sa gabi’y nagsasabog ng natatanging bango sa loob ng halamanan ng Sultan ay tinawag ng marami na puno ng Dama, bilang alaala sa naglahong Prinsesa. Nang lumaon ay tinawag na itong “Dama de Noche”

Alamat ng Batangas


ni Antonio, Emilio Martinez (Kuwentong Pampaaralan)

          Kung saan nagmula ang pangalan ng mayamang lalawigang Batangan na ngayo’y lalong kilala sa tawag na Batanggas, ay siyang inihahayag ng maikling alamat na ito.
          Matagal nang panahon ang nakalilipas, nang ang isang pangkat ng mga Kastila ay maglibot sa isa sa mga lalawigan sa may timog sa Gitnang Luzon. Nang mga panahong iyon ay wala pang mga sasakyang kagaya ng awto, trak o diyep na tulad ngayon, kaya ang nagsisipaglibot na pangkat ng mga Kastilang iyon ay nagsisipaglakad lamang.
          Nakaratig sila sa mga pook na naggugubat sa sari-saring halaman at sa kapatagang tinutubuan ng iba’t-ibang punongkahoy. Doon sila nakakita ng mga puno ng kape, kakaw, abokado, suba, dalandan, dayap at kalamansi. Tangi sa kagandahan ng kailikasang iyan, ang mga Kastilang iyon ay nakarating pa rin sa isang malinaw na batis na may kaaya-ayang ugos ng tubig. Kaya’t libang na libang sila sa magagandang tanawin na kanilang namamasdan hanggang sa makarating sila sa isang pook na napakadalang ang bahay.
          Sa kababaan ng paglalakbay, ang pulutong na mga Kastila yaon ay inabot ng matinding gutom. Sa gayon ay nagpatuloy pa sila sa paglalakad, sapagka’t hangad nilang makasumpong ng taong mahihingian nila ng kahit kaunting pagkain.
          Hindi naman natagalan at sa kakalakad nila ay nakarating sila sa isang pook na may ilang taong gumagawa ng batalan ng isang bahay. Hindi nalalaman ng mga Kastila na ang nagsigawa ng nasabing batalan ay pawing bataris lamang, na ang ibig sabihin ay walang upa ang nagsisigawang mga anluwage. Iyan ay isang kaugalian ng mga Pilipino sa diwa ng kusang pagtutulungan, na maipagmamalaki sa Dulong Silangan.
          Ang mga Kastila ay lumapit sa mga taong yaon, na sa palagay nila ay mababait at mapitagan. Hindi naming nagakabula ang kanilang palagay, sapagka’t nang mapansin ng mga iyon na sila ay pagod at gutom ay binigyan sila ng pagkain. Gayon na lamang ang kanilang pasasalamat at habang sila’y nagkakainan ay sila-sila na rin ang nag-uusap tungkol sa kagandahang loob ng mga Pilipino.
          Nang ang mga Kastila ay makakain, bago umalis at nagpaalam ay magalang na nagtanong ang pinakapuno nila sa mga tao:
-      “Como, se llama esta provincial?”
Bagama’t ang itinatanong ng punong Kastila ay kung ano ang pangalan
ng lalawigang iyon, sa dahilang ang tanong ay binigkas sa wikang kastila, ay hindi siya naunawaan ng mga tao. Ang akala naman ng punong anluwage ang itinatanong niyon ay kung ano ang kanilang ginagawa, kaya siya ang nangahas na sumagot:
-      Batalan, senyor.
-      Batalan? – ulit ng tanong ng pinunong Kastila.
Sabay-sabay na tumango ang kaharap na mga tao kaya’t ang akala ng
Pinuno ay iyon na ang ngalan ng lalawigan. Hanggang sa umalis ay inusal-usal ang salitang BATALAN.
          Nang dumating sila sa kanilang kuwartel, dahil sa kalituhan sa kauusal sa salitang “batalan” ang naibigay tuloy sa kanilang pinakamataas na puno ay ang katagang BATANGAN. At mula nga noon iyon na ang naging pangalan ng nasabing lalawigan, na kaya lamang napalitan ng BANTANGGAS ay sa dahilan sa ating salitang BATANGAN ay hindi mabigkas na mabuti ng mga Kastila.