Showing posts with label alamat. Show all posts
Showing posts with label alamat. Show all posts
Tuesday, December 11, 2012
Alamat ng Nangka Marikina
Ang Alamat ng Nangka
ni: Jonathan Javier
Noong unang panahon, may isang lugar sa Marikina na hindi pa kilala.Ang lugar na ito ay masukal, maraming puno at may isang maliit na batis naumaagos sa mahabang daan. Sa gitna ng lugar na ito ay may nakatayong kuboat doon ay nakatira ang mag-asawang Aling Lala at Mang Kaka. Ang mag-asawang ito ay napakasipag at napakabait dahil lahat ng mga taongpumupunta at lumalapit sa kanilang bahay ay kanilang pinatutuloy kahit nahindi nila ito kakilala.
Masipag ang mag-asawang Lala at Kaka. Nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng gulay at tuwing sumasapit ang anihan ay inilalako ito ni Aling Lala paramayroon silang pambili ng bigas at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan. Nagtatanim din sila ng iba’t ibang uri ng prutas na halosnakapalibot ito sa kanilang bahay na siya namang pinagkakaabalahang anihinni Mang Kaka tuwing namumunga at inilalako sa palengke.
Matagal ng naninirahan ang mag-asawa sa lugar na iyon. Halos doon narin sila tumanda ng ilang taon at sa kasamaang palad, hindi sila biniyayaan nganak. Ngunit malaki parin ang kanilang pasasalamat dahil sa mga biyayangipinagkaloob sa kanila ng panginoon.
Isang araw, may dumating na grupo ng kalalakihan sa kanilang bahay.May mga hawak na armas. Hindi alam ng mag-asawa kung ano ang pakay ngmga ito. Nagsalita ang isang matangkad na lalake.
“Umalis na kayo sa lugar na ito!” Sa nabanggit ng lalakeng ito ay agad na
bumwelta si Mang Kaka at akmang galit sa lalake.
“Bakit kami aalis dito? Ano ang karapatan ninyo upang kami ay paalisin?”
“Kailangan na ninyong umalis dito dahil ipapaputol na namin ang mga punong kahoy at patatayuin ng mga bahay.” Ngunit nagmatigas parin ang mag-asawa. Ayaw talaga nilang umalis sa kanilang lugar. “Dito kami tumanda at dito na rin kami mamamatay!” Ang galit na sabi ni Aling Lala.
“Umalis na kayo dito! Hindi ninyo kami mapapaalis. Layas!” Ang sigaw ni
Mang Kaka.Umalis na nga ang mga kalalakihan ngunit nag-iwan naman ito ng isangsalita at babala sa mag-asawa.
“Pagbalik namin dito, dapat ay nakaalis na kayo dahil kung hindi, pipilitin na talaga naming kayong umalis o kaya’y may mangyayari sa inyo!” Makalipas ang isang linggo, bumalik ang grupo ng kalalakihan sa bahay ng mag-asawa at pilit nila itong pinapalayas. Lumabas si Mang Kaka. “Hindi ninyo kami mapapalayas dito! Magkapatayan man, ipaglalaban naming ang
aming karapatan.” Walang anu
-
ano’y ikinasa ng isang lalake ang kanyang baril at itinaas saka nagpaputok. “Umalis na kayo! Dahil kung hindi, papatayin namin kayo.”
“Hindi kami aa….” Akmang itutuloy na sana ni Mang Kaka ang kanyangsasabihin ng bigla itong binaril sa dibdib. Natumba si Mang Kaka at sakaisinunod naman si Aling Lala. Nang napatay na nila ang mga ito, sinunognaman nila ang kanilang bahay kasama ang bangkay ng mag-asawa. Naabo itoat ni isa ay walang natira kahit buto man lang.
Pagkalipas ng ilang linggong pagkaka sunog, bumalik ang mga grupo ngkalalakihan at sa mismong nasunog na bahay ay may nakita silang tumubongisang puno ng kahoy na namumunga ng pagkalakilaki at may tusok tusok sabalat. Tinawag nila itong Langka at di naglaon ay naging Nangka na siya nangayon ay isa ng barangay sa Lungsod ng Marikina.
Alamat ng Bayambang, Pangasinan
ALAMAT NG BAYAMBANG
(Pangasinan)
Kapapadpad pa lamang ng mga kastila dito sa ating Bansa. Sinasabi ring wala pang mga pangalan
ang iba’t ibang lupain sa Pilipinas.
Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punong kahoy. Karamihan sa mga ito ay ang puno na nagngangalang “alibangbang”.
Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay maagang naulila. Natuklaw ng ahas angkanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias namamuhay na nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang iknabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy atkinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitongparaan nabuhay si Elias.
Noon ay panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalabasng bahay. Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. Tanging ang batang si Eliaslamang ang araw-araw umaalis ng bahay.
Isang araw sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong alibangbang ay may mga kastilang
dumaraan.. Katanghalian noon kaya’t ang mga dayuhan ay sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman angmga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan kung kaya’t tinanong nila ang pangalan ng puno.
“Alibangbang,” ang sagot ni Elias.
Sa kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi
ang alibangbang,sa halip ay “Bayambang”. Simula noon, ang maliit na bayan ay tinawag na “nayon ngBayambang.”
Labels:
alamat,
Alamat ng bayambang,
kuwentong bayan,
pangasinan
Friday, December 7, 2012
Alamat ng Saging
May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ayMariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit nagubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamangnamumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat naito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isangaraw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe.Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni MariangMaganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Angprinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad silang nagkapalagayan atnagkahulihan ng loob.
Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ngpag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan nangpagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggapang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.
Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa salilim ng mabangong halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mgabulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda atmababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong maykatawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot namalungkot. Kaya napilitang magtanong si Mariang Maganda."Mangyari'y..." at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat na akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na akomakababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindimakapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito.Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe. Nangmalapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ngprinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ngnag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.
Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis naako, Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisanay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaanmong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mgatalulot na labi ni Mariang Maganda.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niyamabatang lisanin siya ng kanyang minamahal. Sa kanilangpaghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga paladng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kayapatakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan at ibinaonang mga kamay.
Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sapinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilanpang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ngprinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mgabulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliringnagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig.

alamat ng pilipinas,
alamat ng saging,
kwentong bayan
Subscribe to:
Comments (Atom)